Sabi nila, Lahat ng tao pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
Walang mahirap. walang mayaman. walang pangit.
At higit sa lahat, walang babae,lalaki,tomboy,bakla. Lahat tayo tao sa paningin nya.
Sa paningin nga Lang niya..
Dahil sa mundong ating ginagalawan , lahat mapanghusga.
Ako si Baekhyun. Junior sa pamilya namen. Akalain mo yun?
Bata pa Lang ako, alam ko ng may mali saken. Mas magada kase ako kesa sa Nanay ko.
Hindi ako kasing astig ng tatay ko.
Hindi ako kasing macho ng kuya ko.
Marahil ay mapag mahal ako gaya ng nanay ko.
OO.Homosexual ako. BAKLA kung tawagin ng lahat.
eh ano? tao rin kame. marunong mag mahal at lalong marunong masaktan.
"Ah bakla! ah bakla ! HAHAHAHAH "
Narinig kong pang aasar nila saken.
"Wag ka nga dito! di ka naman lalaki e. "
Sabay tulak saken. Wala akong nagawa kundi umiyak.
"HAHAHAH. Iyakin." sabay tawa.
"Hoy kayo!"
Sabay sabay kameng napalingon sa nag salita.
Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatayo sa likuran ko at may suot pang kapa.
"Tigilan nyo na sya kung ayaw nyong masaktan."
Sa sinabi nito, biglang nag takbuhan ung mga nang aaway saken.
Nakadama ako ng relief sa mga oras na yun.
"Hello! Ako Chanyeol. Ikaw?"
"Baek.."
At inilahad nya saken ung kamay nya. Pakiramdam ko ay iniligtas ako ni Superman sa mga bad guys. At dito nag simula ang pag kakaibigan namen.
"Uy. Baek!"
nag balik sa reyalidad ung isip ko ng tawagin ako ni Yeol.
"Anong rate mo sa isang yon?"
Sabay turo sa babaeng dumaan sa harap namen.
"4.5"
wala sa loob kong tugon.
"Grabe! Maganda kaya!"
"Duh! Ang pangit ng Eyeliner nya. Di ko type"
ewan ko ba pero naiinis ako sa mga babaeng dumadaan.
Siguro kase nakukuha nila ang atensyon ni Yeol.
Si Chanyeol na matagal ko ng gusto...
Habang nag aayos ako ng gamit, nakita ko si Yeol na papalapit saken.
"Baek..
Sabay hawak sa balikat ko.
"Tulungan mo ko."
"Saan?"
"Na ligawan si Dara Unnie..
O.O

BINABASA MO ANG
I Love You PARE (BaekYeol FF)
Teen FictionI Dedicated this for all Homosexual out there. Enjoy reading it. as much as I enjoy writing it =)) ©JonginsLegalWife Property♚