Carousel

3 0 0
                                    

Paulo's POV

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, sa isang amusement park na madalas naming puntahan.

Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Ganito parin ito, walang nagbago.

May mga magulang na masayang nakikipaglaro sa kanilang mga anak, may mga magkakasintahan na naglalambingan, merong din namang nagkakasagutan ngunit pagkatapos ng konting paglalambing ay nagkakabati rin at mga nagsisiyahang magkakaibigan na kontento na sa bawat isa.

Napakasaya nilang pagmasdan, bawat isa sa kanila ay may mga ngiti sa kanilang labi na para bang hindi sila natatakot sa maaring mangyari sa mga susunod na araw o oras. Na para bang wala silang iniisip na kahit ano. Siguro nga ganun kapag gusto mong sumaya, iniiwan mo sa malayo lahat ng takot, pangamba at hinanakit na nararamdaman mo sa isang araw.

Sana ganun kadali ang buhay, sana ganun kadaling iwan at kalimutan lahat-lahat na para bang nabuhay kang muli sa parehong katawan.

Kagaya ng madalas kong ginagawa, pinagmamasdan ko kung paano paikot-ikot at pabalik-balik ang carousel habang may mga batang kumakaway sa kanilang mga magulang.

Sabi na nga ba eh, dito ko lang naman siya makikita, nakangiti itong kumaway sakin, kaya ganun din naman ang ginawa ko.

Umikot na pabalik ang carousel, gusto ko itong patigilan, napuno ako ng pangangamba at baka hindi ko na siya muling makita pa.


------


Dinilat ko ang aking mga mata at napangiti ako sa nasilayan ko, mabuti naman at nandito parin siya.

Mahimbing parin itong natutulog sa mga yakap ko, dahan dahan kong hinaplos ang kanyang mukha at isinilid sa kanyang tenga ang buhok na lumalaylay sa mukha nito.

Nakangiti kong pinagmamasdan si Sophia, habang tahimik itong natutulog. Walang bahid ng kahit anong kolorete sa mukha pero napakaganda parin, makinis at maputi ang kanyang balat kaya madalas itong namumutla.

Mahaba ang mga pilik mata nito ngunit umuurong kapag ito'y dumidilat. Kapansin-pansin din ang pagkapayat niya habang dumadaan ang araw.

Hindi ko maitago ang saya ko nang naramdaman kong dumampi ang labi nito sa labi ko. Kahit kailan talaga ang hilig niyang manupresa.

"Enjoying the view," panunukso niya sakin. Kinulong ko siya sa bisig ko na tinanggap naman niya kagaad.

Hindi ko na kailangan pang sagutin yun dahil ayoko namang magsinungaling at sabihing hindi at ayoko ding sabihing OO dahil lalaki na naman ang ulo niya.

"I love you," mahina ngunit klaro sa pandinig ko iyon. Hinalikan ko ang noo niya, at mas niyakap siya ng mahigpit.

"I love you too," sagot ko naman, na para bang nagtatanong ito.

Niyakap niya ako pabalik at ilang minuto kaming nanatili sa ganoong position.

Napagdesyunan ko nang tumayo na at magayos baka kasi kung saan pa mapunta kung magtatagal pa kaming dalawa sa kama, nauna na siyang naligo habang nag-ayos naman ako ng makakain namin.

Inayos ko na din lahat ng kakailangin namin para sa pupuntahan naming importanteng lugar.

Napatigil ako nang makaramdam ako ng mainit na pagyakap mula sa likod, sinilip ko siya ng bahagya habang nakatingin naman ito sa hinanda ko. Humarap ako sakanya para mas makita ko kung gaano siya kaganda.

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon