Eto ha. Ni-play niyo ba yung Pagibig ni Yeng Constantino? Bahala kayo diyan. Hindi niyo madadama. KJ ang hindi nag-play nun. Tss..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ewan ko ba pero nasaktan ako. Kaya ang ginawa ko, naglakad nalang ako palabas ng school at umuwi. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nakikita ko. Feeling ko wala nanaman na ulit akong pagasa. Nada-down nanaman ako.
Para hindi ako malungkot ng sobra, nag-open nalang ako ng facebook ko at tumingin ng pics ni Daniel Padilla kaso mukhang wrong move. Kasi kada makikita ko si Daniel Padilla, si Rye ang naaalala ko. (_ _ )
Kinausap ko siya tungkol dun na kung bakit sila naguusap ni Lucy nun at sabi niya lang eh wala daw. Hindi ko siya maintdihan >_<
Nabawasan yung pagiging sweet namin ni Rye kasi nga sa umiiwas ako sakanya. Parang ngayon ang awkward na. Hindi na kami komportable sa isa't isa.
Ako yung umiiwas saka tumatanggi sakanya. Isang beses nga niyaya niya akong mag-mall pero hindi nalang ako sumama ang sabi ko masama pakiramdam ko kahit na hindi naman. Yun nalang siguro yung tangi kong naisip para hindi na ako masaktan kahit na alam kong mali.
Hanggang sa one day at recess uli. Naisipan kong mag-CR magisa. Kapag magc-CR kasi ako, automatic na magkakasabay kami pero ngayon nalang ulit naulit na magisa ako.
Habang nasa loob ako ng isang cubicle may narinig akong nagkekwentuhan.
"Kayo na ba talaga?"
"Hindi pa pero malapit niya ng hiwalayan si Aleiza. Alam ko naman kasi na ako parin gusto niya eh."
Alam kong boses yan ni Lucy.
Nalungkot ako sa narinig ko. Hihiwalayan na ba talaga ako ni Rye?
Lumabas ako ng cubicle at tumakbo palabas. Nakita nila ako pero wala akong pakiilam. Pumunta nalang akong room at yumuko.
Tinatanong lang ako nila Jaira kung anong nangyari sakin pero ang sinabi ko lang masama pakiramdam ko. Kaya in-excuse niya nalang ako kay ma'am tapos hinatid ako sa clinic.
Ilang oras akong nandito sa clinic magisa hanggang sa maguwian at sinundo ako nila Jaira, Charline, Kaycee, Cherly at Rye.
Sinabi ko nalang na iwan na nila kami ni Rye doon at umalis na nga sila.
Ngayon kaming dalawa nalang ni Rye ang nandito sa clinic.
"Ayos ka lang Tako?"
Hinahawakan niya ako sa balikat pero inaalis ko ko lang siya at pinapalayo sakin.
"Bakit mo ba ako iniiwasan Aleiza? Hindi mo ba alam nasasaktan ako?"
Kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako..
"To-totoo ba yung sinabi ni Lucy??"
Pinipigilan ko nalang na maluha. Kasi nasasaktan talaga ako. Alam niyo yun? Yung feeling na ang lungkot lungkot kasi parang naiisip mo na parang wala kang pagasa. Yung parang pakiramdam ko, parang nangyayari nanaman yung 3rd year.
"Ang ano??"
Sabi niya.
Nakaiwas lang ako ng tingin sakanya.
"Totoo ba na yung pinagusapan niyo nun eh hihiwalayan mo na ako? So kaya pala ayaw mo sakin sabihin yung pinagusapan niyo nun. Kasi pala yun yun. Sorry ha, alam ko namang dapat isu-surprise mo ko eh kaso na-spoil ako eh."
BINABASA MO ANG
Careless and Tako (CAW sequel) Oneshot (FINISHED)
HumorAno na nga bang nangyari kila Rye at Aleiza matapos aminin ni Rye ang nararamdaman niya? Happy na ba sila or may problema at hadlang nanaman bang dadating? At kung last time nalaman niyo kung bakit Careless and Wallet ang title, ngayon naman bakit C...