Chapter 1

38 4 0
                                    

THE ASPIRING CINDERELLA written by girloncactus

www.girloncactus.blogspot.com


xxx-xxx


"Kira ikaw na."


Nakatingin lang ako sa hall mula dito sa bintana ng classroom habang nagsasalita ang kaklase ko. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano pa mga sinasabi niya. Ang ganda kasi ng nakikita ko ngayon at ayokong sayangin . Hahaha


"Hoy! Tapos na yung isang reporter." Napatakip ako sa tenga ko. Lakas naman makasigaw oh. Tumayo ako at sinulyapan ulit ang taong nasa hall na abala sa pagpipinta. Itinuon ko nalang atensiyon ko sa pagdidiscuss. Reporting kasi namin at isa ako sa mga naka-assign ngayon.


By the way, Ako nga pala si Kira Eiryn Ignacio. Ang unknown princess ng campus. Yes . That's true.... in my dreams. Isang binibining nagkukubli sa loob ng aking magandang uniform. I'm in third year college and taking Management.


"Okay. The next topic we're gonna tackle is about...." . Paguumpisa ko bago binigyan ng huling sulyap ang taong nasa hall. Pero lumiit nalang ang mga mata ko nang mapansing may babae lumapit dito at nakangiting ipinulupot ang kamay nito sa braso ng kausap niya. Napaismid nalang ako sa nakita. Hay..


"Ah..Kira?" tawag sakin ng lalaking kaklase ko.


"Hah?" Masyado kasi akong nakatingin sa hall at nakalimutan kong nasa harapan pala ako. Humarap ako sa kanila. Only to see them na nagpipigil ng tawa . Pero walang tumugon saken at hindi parin sila tumitigil.


"Ah--eh-- Kira--" lumapit saken ang kasama ko.


"Bakit?"


" Ahmm..may nakadikit kasi na gum sa skirt mo." Bulong niya sakin.


"Ha? Eh..Saan banda?" Tanong ko habang hindi umaalis sa pagkakatayo.


"Ahmm..sa butt portion." Nahihiyang bulong nito saken.


Nagulat nalang ako sa narinig at pakiramdam ko ay nagsisimula nang uminit ang pisngi ko. Tumingin na lamang ako sa kasama ko at tumango nalang siya, buti naman at naintindihan na niya ako. Lumabas na ako sa room at sa tingin ko ay sinusundan na lamang nila ako ng tingin. Tss kung minamalas ka nga naman. Sino ba naman kasi ang mahilig ngumuya ng bubble gum at matapang na idinikit sa upuan! Napakagross.. >_<



Naglakad ako papunta sa locker room para kunin ang extra skirt ko. Buti nalang talaga at may extra shirt akong inilalagay dito. Nagpalit na din ako ng skirt sa katabi nitong shower room. Oh diba? Parang nasa bahay ka lang? Kulang nalang yata magdala ako ng food supplies at poof! parang apartment na ang peg.

THE ASPIRING CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon