Chapter 2

28 5 0
                                    

x-Kira Eiryn Ignacio at the top-x


xxx-xxx



Chapter 2

Nakayuko kaming tatlo habang nabibingi sa malupet na sermon ni Sir. Pagkatapos ng nangyari kanina ay dumiretso agad kaming tatlo dito sa office niya. Last subject na sana namin iyon kaso mukhang matatagalan pa yata akong makauwi neto.

"You're college students now. You should be responsible enough in your actions.  Antatanda niyo na. Jusme."  Palipat-lipat na tingin ni sir samin.

"Eh Sir..that's all her fault. Hinila niya bigla ang hair ko then she slapped me. Huhu.." Napaangat ako nang tingin .

Eh?  Anong sinasabi niya?

"Yeah Sir. Kasalanan niya to lahat. Sabi niya mukha daw kayong clown fish." Sumimangot pa ito habang nangingislap ang mga matang nakatingin  kay Sir. 

Ano?  Eh wala naman akong sinasabing ganun ah?!

"Is that true Kira?"

"No sir! Hindi po totoo iyo--"

"Liar! You just slapped me a while ago. How could you do that to me?! Huhu.."

"Calm now, Frisha. Sir, totoo po ang sinasabi ni Frisha." Kumuha siya ng tissue at iniabot kay Frisha. Kinuha naman nito yun at nagpupunas ng ilong.

"Stop it Miss Gatchalian and Miss Gravidez . At Miss Ignacio,  alam niyo naman na may consequences for every improper actions na gagawin niyo. And so I've decided to give the three of you a punishment ."

"What?!!!" Halos sabay na sabi ni Didith at Frisha.

Naku naman. Bakit pa ako nasali sa punishment na iyan?  TT__TT

After that ay sinabi ni Sir ang mga designated place kung saan kami maglilinis. Hay, sinasabi ko na nga ba! 

Na-aasign ako sa may Audio-Visual Room samantalang si Frisha ay sa computer laboratory at sa harap naman nang office ni Sir si Didith. Nag-request kasi ito na doon na lang daw.

Hindi naman ganun kahirap ang nilinis ko. Mabilis ko lang akong natapos dahil hindi naman yun kalakihan at isa pa hindi naman ganun kadumi.

Papunta ako sa library, may duty kasi ako ngayon doon. Yeah, nag-apply kasi ako sa student assistance ng campus at fortunately natanggap ako.

"Ahh..Ms. Kira?" Napahinto ako sa isang room nang tawagin ako ng isa sa mga Prof. Ko.

"Yes Mam?"

"Can I ask you a favor?"

"Sure mam. Ano po ba iyon?"

"Pwede bang pasuyong  ibalik sa library ang mga librong ito? May meeting kasi kami sa office ngayon na."  Napatingin siya sa relo niya.  "Okay lang ba?"

"Oh.. Sure Mam. No problem."

At ayun nga. Binuhat ko yung box na may lamang pitong makakapal na libro. Phew- grabe ang bibigat naman ng mga 'to. Pakiramdam ko tuloy lalabas na ang mga ugat ko sa leeg habang tinitignan ang dinadaanan ko. Natatakpan na nga ang mukha ko at sa  side nalang ako tumitingin.

At last, malapit lapit narin ako sa library. Isang kalbaryo nalang ang haharapin ako. Huhu.. Ang napakahabang hagdanan papunta sa 3rd floor kung nasaan ang library.

Pakiramdam ko tuloy ay nagpu-push up ako ng patayo habang buhat buhat ang mga libro. Nakakangawit naman. Pero kunting tiis lang malapit narin naman eh--

"Luigie...wait!"

Teka--galing na dito si Luigie?! Na-curious ako kaya sa nangangawit na mga kamay ay pinilit kong makita ang nasa harap habang dahan-dahang naglalakad sa hagdan.

Kalalabas lang nung babae sa library habang hinahabol si Luigie. Wait! Eto yung babae na nakita ko sa hall kanina ah. Papasok na ako at kalalabas lang nila kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Luigie ...are you free tonight? Can we have some dinner ?"

"Psh.. I'm busy."

"Uhm..If that's the case maybe sa ibang araw nalang? You know kung may free time ka-"

"Aray! "   Nabitawan ko ang hawak-hawak kong kahon at napaupo  habang hawak-hawak ang paa ko nang tumama ito sa edge ng hagdan. Ang sakit lang.Huhuhu..Ewan ko kung paano nangyari yun eh ang luwang kaya nitong daan.

"OUCH!"

"You okay?"  Narinig ko ang boses ni Luigie.

Napatingin ako sa paligid, nakaupo yung babae at nagkalat ang mga libro sa paanan niya. Nasa tabi naman niya si Luigie habang tinatanggal ang mga makakapal na libro.

"So-sorry miss." Kahit masakit pa ang ankle ko ay nagawa kong lumapit sa babae para pulutin ang mga nagkalat na libro sa harap niya.

"URGH! SORRY EH? LOOK WHAT HAVE YOU DONE?! ANG EWAN MO MISS! ANG LUWANG NITONG DAAN THEN URGH--?! NEXT TIME, WAG KANG SHUNGA!"

"Veronica..Stop it."

"NO LUIGIE! LOOK AT MY FOOT! ANG LAKING BOPOLS NIYA LANG TALAGA! "

" I said I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang madaganan ka ng mga librong 'to."

"EWAN KO SAYO! TSS..YOU'RE SUCH A BIG TRASH IN THE MIDDLE OF THIS HALLWAY!"

Lalong tumataas ang boses nung babae at saka ko lang napansin na we're making a scene here sa labas ng library. Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.TT___TT

"I said stop it."

Napatingin ako sa buong paligid. May ilang nagbubulong bulungan , may mga nakatingin na parang naaawa at may ilan namang nanonood lang.Napayuko lang ako at nagsisimula nang uminit ang gilid ng mata ko.First time kong malagay sa ganitong sitwasyon at hindi ako sanay na mapahiya sa harap ng maraming tao.

"SANDALI NGA! HINDI PA KO TAPOS SA KANYA!"

And before I knew it, nakaalis na pala ako sa harap ng library habang wala sa sariling napapasunod sa may hawak ng kamay ko. Kahit masakit pa ang paa ko ay wala akong nagawa kundi sumabay sa taong iyon na ang lalaki ng mga hakbang. Nanatili lang akong nakayuko habang halos takbuhin na namin ang hallway. Pero kahit paano ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil inialis niya ako doon.

Binitawan niya na ang kamay ko pagkatapos at saka ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami.

"Tha..thank you."  Nakayuko paring sabi ko.

Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga . At ganun nalang ang gulat ko noong makita kung sino ang kaharap ko ngayon.

Dug dug dug dug...

Luigie? Nananaginip ba ako? Paki-pektusan nga ako please.

"Next time miss. Be careful. Hindi yung  anlaki mong harang sa daan."

And before I could even a say a word, narinig ko na ang pag-andar ng kotse niya at naiwan akong nakatayo sa gitna ng parking lot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ASPIRING CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon