unang yugto: ang huling regalo ni lola

34 0 0
                                    

Ako si luna millifourts  sa murang edad na tatlongpong taong gulang natutoo na akong magbasa. Ilang libro na ata ang nabasa ko tungkol sa pag-ibig, fairytales at adventures.

Pero sa lahat nang nabasa kong libro ang pinakagustong gusto kong binabasa ay ang mga librong isinusulat nang aking lola.

 Naalala ko pa nga noong ginawan niya ako nang kwento tungkol sa mga nilalang na naninirahan sa puso ng isang tao isa yun sa mga pinakapaborito kong libro.

 Lubos kong hinahangaan ang aking lola sa kanyang mga nililikhang kwento na parang tutoo sa subrang detelyado. Siya ang naging mata ko sa labas ng kwartong ni minsan di ko nagawang hakbangin at labasin pagkat di katulad ng ibang bata wala akong kakayahan maglakad.

 Pero dahil sa lola ko kahit nandoon lang ako sa kwarto na yoon pakiramdam ko nagagawa kong makita ang tunay na mundo kahit sa isip ko lamang.

Kasu di tulad ko iba ang pananaw sa kanya ng ibang tao. Isa na sa mga taong yoon ay ang aking ina. Paano daw kasi ay pero kabaliwan at kalukuhan lang daw ang laman nang mga kwento niya. Meron pa nga mga panahon na sinunog ni inay ang lahat ng mga librong binabasa ko dahil na laman niyang lumabas ako nang kwarto at tumakas para pumunta sa harden ni lola .

 Dahil doon pinagbawalan na si lolang lumapit sakin upang di na daw ako mahawa ng kabaliwan.

Umiyak ako noong araw na yoon. Doon ko unang naramdaman ang inis sa ibang tao.

“masama bang mag maligaya? Nais ko lang namang Makita ang mundo sa labas?”

 pero bago pa man mamuo ang galit sa puso ko ay naalala ko ang kwento ni lola na talagang kapupulutan ng aral. Naalala ko na masama nga palang magtanim ng galit sa puso kasi kalungkutan lang  ang maidudulot nito. Pinilit kong tanggapin ang mga nangyari at ipinangako ko sa mga bitiwin noong gabeng yun na hihingi ako nang tawad sa aking magulang  dahil pinagalala ko sila ngunit sana baguhin nila ang isip ng aking ina tungkol sa di ko pagkita kay lola at pagbabawal niyang sa akin sa pagbabasa ng librong gawa nito.

ipinapangako ko na di na ako muling lalabas nang kwarto kung di naman ako pinayagan.

Kasu laking gulat ko noong araw na rin na yoon.

Nang kausapin ko ang aking ina tungkol dito ay mas lalo lamang siyang nagalit at ikinulong ako sa kwarto. Mas lalo ko lang daw pinatunayan na nahuhumaling na ako sa ginagawa ni lola at  gusto ko daw sumunood sa yapak niya.

Inay : “ Nahawa ka na sa kabaliwan nang magaling mong lola! Iyan ang nakukuha mo kakabasa ng mga walang kwenta niyang kwento! Gusto mo bang sirain ang buhay mo ? Subakan mo pa ulit bangitin ang lola mo sa harap ko at itatakwil na kitang anak ko!”

parang naging mas klaro sa utak niya Di na daw talaga pwedeng pumunta sa kaarawan ko ang lola ko. Bawal na bawal narin daw akong magbasa ng librong tungkol sa walang kabuluhang bagay na ang gawa ng lola ko kung di daw ulit ako susunood ay susunugin daw niya ulit ito. Di naman daw ako malulungkot dahil papalitan niya nang mga agham at mathematica ang mga librong yoon.

 Labis akong nalungkot noong araw na yoon. Halos di ako makatulog kakaisip kung bakit ganoon? Kung bakit pilit nila akong nilalayo sa lola ko at bakit pinipilt nila ang mga bagay na di ko naman gusto? Di ko rin alam kong bakit ganoon na lamang ang galit nang aking ina sa aking lola? Kung bakit ayaw na ayaw niyang hahakbang ako sa harden na yun? Maraming katanungan sa utak ko na nais kong masagot pero di ko na muli yun malalaman kong di ko na makikitang muli pa si lola.

kaya natural naman ay di nila ako papayagan ay ako na lang ang gagawa ng paraan para makita mong muli si lola. Isa lang ang naisip kong gawin noon mga oras na yun ang tumakas at Makita ang lola ko kahit na alam kong kapalit nito ay pagtatakwil sa akin nang ina ko.

Nang makahanap ako ng teympo ay pinuntahan ko si lola sa harden niya gamit ang wellchair na kakabili lang sa akin ni itay .

Malaki ang pagnanais kong makita , mayakap at mabasa ang librong gawa ng pinakamamahal kong lola. Pero habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan at natatakot  sa kung anong kalalabasan nang ginawa kong pagsuway.

Muli kong nakita ang lola ko. Di ko maipaliwanag kong gaano ako kasaya na muli kong makikita ang mga ngiti nang aking lola habang binabasa ko ang gawa niya.

nilapitan ko ang lola ko pero di ako nagdahan dahan at nahulog ako sa wellchair.

nakaramdam ako ng bigat sa paa ko habang palapit ng palapit ay unti-unting humapdi ang paa ko na parang kinukuryente sa sakit.  Parang may pumipigil sakin na makita ang lola ko. Pero ayokong sumuko ilang hakbang na lang at mayayakap ko na ang lola ko. Kahit masakit ang paa ko ay pinilit kong gumapang para makalapit lamang sa kanya.

“lola?”

“lola?” muli ko siyang tinawag sa malayo

“lola nandito na po si luna. Di ba sabi niyo sa kaarawan ko ipapakita na niyo yung librong matagal na niyong ginagawa para sakin? Yoon yung pinakamagandang librong ginawa niyo, di ba? sabi ninyo yun sakin” patuloy ang pag gapang ko sa harden ni lola.

 “lola ngayon na yung araw na yoon” naiiyak kong sinasabi habang palapit ng palapit

 “ang saya ko na makikita ko kayo..” mahina ngunit malabing kong sabi sa kanya

“lola? Magsalita naman po kayo gaan kasi  natatakot na ako.” Napahinto ako sa pag gapang at parang maiiyak na sa takot.

“lola bakit di kayo sumasagot?”  pinagpatuloy ko ulit ang paggapang hanggang sa mawakan ko ang kamay niya.

“lola! Bakit ang lamig nang kamay niyo?” hinawakan ko ang kamay niya at idinikit iyon sa mga pisnge ko na madalas ginagawa ni lola sa tuwing makikita ako.

“lola!!!”  malambing ngunit malakas kung sabi habang naiiyak na.

“lola gumising ka!”

“lola!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Halos maubos na ang boses ko noong araw na yun ngunit kahit anong gawin kung tawag ay di ko na siya muli nakausapang muli. Di siya gumagalaw. Ni di siya dumidilat para yakapin ako. Nakaupo lamang siya habang hawak hawak ang isang libro. Nagiisang librong hanggang ngayon ay pinagkatagutago ko pagkat iyon na lamang ang nag-iisang kayamanan nang lola ko na pamana niya sakin. Ngunit na takot na akong basahin pa yun pagkat takot akong tanggapin na dahil sakin namatay ang lola ko.

ito ang katutuhanang pinilit kong kalimutan hanggang sa ako’y lumaki..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fantasy X RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon