TANGING HILING
By: Loraine Aballa (IV-Rizal)
Boom! boom! boom! puso ko'y tumatambol,
Maging sa salita ako ay nabubulol,
Di ko masabi-sabing ako ay may pagtingin,
Patuloy ko na lang bang itatago ang damdamin.
Kasama ka naman lagi sa banda,
Ngunit ako'y naiilang at hindi makapagsalita,
Isa pa ay iniisip ang tugon ni ina,
Na umiwas sa pag-ibig ako raw ay bata pa.
Sa bawat sandaling nahahawakan ka,
Anong tuwa't saya itong aking nadarama,
Palagi kang hanap nitong aking mga mata,
Patuloy kong pangarap na muli kang makasama.
Kung nalalaman lang ng lahat itong aking lihim,
Tiyak kong kakantyawan ako't tutuksuhin,
Pagkat ikaw TAMBOL ang nais makapiling,
Ang aking iniibig, ang tangi kong hiling.
***
Halu-halong emosyon ang aking nararamdaman sa tuwing binabasa ko itong tulang ito. Masaya ako dahil ito'y nalathala sa pahayagan namin sa paaralan nung ako'y High School pa lamang. Kalakip nito'y lungkot dahil sa kabila ng pagkatapos ko itong masulat, ay kasabay ng pagliban at pag-iwan ko sa minahal kong Organisasyon, ang BANDA.
Sa likod ng tulang to, ay nakatago ang aking storya na napagdaanan ko sa pagsali sa banda. Hinalintulad ko ang ang aking instrumentong Tambol sa aking lalaking minahal na katulad ko ding Drummer.
BINABASA MO ANG
Tanging Hiling by (Loraine Aballa)
PoetryInspired when I was a drummer during High School days :)) I just wanna share some of my experiences when I enter school band. This story describes me, what I am before and who I am now. Please Vote and Comment^^ Super THANK YOU :* Visit my Accounts:...