"Boom! Boom! Boom!"
Tunog ng isang tambol na naririnig ko na nagsisilbing senyales ko para mag-uwian na. Sa wakas! Natapos na din ang mahabang diskasyon ng aming guro na wala ng ibang ginawa kundi ang dumakdak ng dumakdak!
Ako pala si Rain Rivera. 3rd year High school at kasalukuyang nag-aaral dito sa Labangal National High School. Isa ako sa mga achievers dito sa school, simula pa lang 1st year. 15 years old na ako. Ako yung taong kinapos sa height! Pero di naman ako pandak talaga, mas mataas nga lang sila sakin! Maputi, chinita, makulit, at CUTE ang deskripsyon nila sa akin! Ewan ko na lang pag makita nyo ko sa personal! V(^_^)
"Rain!!!"
Tawag ng aking kaklase. Si Shenna. Feeling close sya sakin! Gusto nya daw akong kaibiganin. Ako yung tipong palakaibigan pero ayoko magkaroon ng sariling bestfriend. Ewan ko, natakot na ko. Madami na kasi akong nadaanang naging matalik kong kaibigan na wala ng ginawa kundi abusuhin ang kabaitan ko't, trinatraydor at higit sa lahat, NANG-IIWAN sa ere!
Kaya bilang lang ang mga close kung kaibigan dahil nilelevel ko sila basi sa ugaling naoobserabahan ko sa kanila.
"Ano?"
Irita kong sagot.
"Ay! Galit? Galit ang cute kong bestfriend?"
"Wag mo nga kong tawaging bestfriend! Nakakadiri naman yan. Were just FRIENDS! Okay?"
"Eh pano kong ayoko?"
"Bahala ka!"
Naririndi na ko sa pinagsasabi nya kaya akmang aalis na ko ng may sinabi sya ulit.
"Sabi ni Maam, sumali ka daw sa banda! Ikaw na bahala kung anong gusto mong salihan dun!"
Napag-isip-isip ko naman na extracurricular din yun. Wala pa kasing mga contest, intrams na pwedeng salihan ngayon kaya kailangan ko talagang sumali dun.
"Hmm. Sige"
BINABASA MO ANG
Tanging Hiling by (Loraine Aballa)
ПоэзияInspired when I was a drummer during High School days :)) I just wanna share some of my experiences when I enter school band. This story describes me, what I am before and who I am now. Please Vote and Comment^^ Super THANK YOU :* Visit my Accounts:...