Chapter 4

28 0 0
                                    

Chapter 4

Louise's POV

Grrr!!! Nakakainis Talaga ung lalaking yun!! Akala mo Kung sinong Gwapo!! Well, medyo.. Pero tama ba Namang NAKAWIN ang FIRST KISS KO?!? HA?!? TAMA BA YUN?!

(A/N: awtsu!!! Gusto mo naman!!! xD)

Che!!! Bwisit siya!!! Grr... Tapos ang yabang pa!!!! Pasalamat siya crush ko siya kung hindi... Naku!!! Dadaganan ko siya!!! Promise!!! Sa sobrang kayabangan niya natandaan ko tuloy ung kababata ko...

He was my first.. First friend, first crush, FIRST LOVE???

Kamusta na Kaya yun? Ayaw parin Kaya niya sa mga bat ang umiiyak? Nan libre natin Kaya siya ng ice cream sa isang babae katulad nung ginawa niya sakin???

Sana Hindi pa kasi... Kasi gusto ko sakin niya lang gagawin yun..

Gwapo parin Kaya siya? Baka masungit parin yun Gaya noon.. Baka kasing sungit at matapobre pa niya yung crush ko ngayon!! Sabi ko sa sarili ko dapat ung kababata ko yung makakakuha Lahat nung Firsts ko.. Kaso Iniwan ko siya eh.. Baka galit na yun sakin ngayon.. Di na nga ako naka balik dun sa playground na pinaglalaruan namin Dati eh.. Haay.. Makapunta nga dun mamaya..

"Louise!!!! I heard the news ha!! Hinalikan ka pala ni Lance my labs so sweet!! Langya kang babae ka! Buti ka pa nahalikan na ni Lance.. T.T" Sabi ni Iris.. Friend ko din yan eh.. Kasali siya sa choir a.k.a glee club..

"Tch.. wag ka nga!!! Aksidente lang yun noh!! Bakit ka ba nandito??"

"Ay! oo nga pala!! May audition kasi sa glee club!! sali ka bili!! Para naman may makasama ako.. Sige na!! Maganda naman boses mo tapos kailangan natin ng eca no!!"

"Eh!! Baka pagtawanan lang nila ako.."

"Adik ka ba!! Basta maganda boses mo, pasok ka na agad!! Kahit kamuka kapa ni Mira na taong puno, o di kaya ni Aila na taong.. ehem, alam mo na yun, Tatangapin ka parin nila.. Sige na!! Sumali ka na!! Ililibre kita ng lunch!! Kahit ano pang gusto mo!! Kahit gano karami!! Sumali ka lang!! *good bye weekly allowance.. tag-hirap na ko nito.. tsk, tsk, tsk*"

"Kahit ano?!?"

"Oo.."

"Kahit gano karami?!?"

"Oo nga!!"

"Okay!! lika na!!" Sabay hila ko sa kanya papuntang canteen..

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

*At the Canteen*

Hay sa wakas na sa canteen na kami!! Gutom na Gutom na ko! Lagot ka Iris Yu!! Uubusin ko yang pera mo!! wahaha!!

*kuha dito, kuha dun*

"Waah!! Masarap to!! Favorite ko to!!!" sabay turo dun sa Choco Mousse cake na Red Ribbon!! Shems!!

"Miss!! Penge nga pong dalawang slice nito.." Sabay turo dun sa cake..

"Ay miss!! Sorry.. Reserved na po kasi yan eh.."

"Po?!? Sino po!! Ang dami pa naman po niyan eh!! 6 na slice pa po yan eh!! Sige na miss!! Favorite ko yan eh!! T3T"

"Sorry miss. Binayaran na po kasi yan ni Sir Lance eh.. Kung gusto niyo po talaga yan bilhin niyo nalang po sa kanya.." Tch.. Badtrip talaga yang si Lance!! Bwisit!!

"Ate!! Asan na po yung Choco Mousse na Pinareserve ko??" Speaking of the devil.. Tch.. Makaalis na nga dito..

Lance's POV

Tapos na ko sa lunch ko.. Hmm.. Ay oo nga pala!! Pinareserve ko nga pala yung Choco Mousse sa canteen!! Ngayon nalang ulit kasi sila nagkaroon ng ganitong flavor... Eh favorite ko to eh!! Puntahan ko na nga..

Nung papunta na ko dun, nakita kong papaalis na dun ung nakabangga ko kanina.. Mukhang paiyak na siya.. Anong nangyare dun?? Tch.. It's none of my business anyway so why bother..

"Ate!! Asan na po yung Choco Mousse na Pinareserve ko??"

"Ay ito na po!! Uhmm Sir Lance.. Si miss po kasi gusto din nitong cake eh sabi ko po na pinareserve niyo na po, kung payag po kayo pwede po bang bumili nalang po siya sa inyo? Kasi po paborito daw po niya yan.. Ngayon nalang daw po kasi siya ulit makakakain niyan eh.." Ah so favorite niya rin to?? Wow.. May similarities din pala kami kahit papaano.. Kaya siguro malungkot yung mukha niya kasi di siya nakabili nung cake.. At dahil MABAIT ako, bibigyan ko nalang siya...

"Ah, sige po... Bibigyan ko nalang po siya.. Salamat po.." Umalis na ko dun tapos pumunta kung san yung table nila nung kaibigan niya.. Habang naglalakad ako papuntang table nila, maraming nakatingin sakin at tinitignan kung san ako pupunta.. Nubayan.. Ang hirap talagang maging GWAPO.. Hindi ako nagmamayabang ha! Nagsasabi lang ng totoo..

"Ahm. Miss?" tawag ko sa kanya. Napasinghap lahat ng taong nakakita at biglang nagbulubgan.. Humarap siya sakin at mukhang nagulat ko siya kasi may dala akong cake. Nakita kong nag-lighten up yung mood niya.. Favorite niya talaga siguro yun..

"Bakit??" Tanong niya habang nakatingin sa cake.. Mas masarap bang tignan ung cake kesa sakin. Di hamak naman na mas Masarap ako sa cake na yun..

"Uhmm.. Ito oh.. 2 slice ng Choco Mousse.. Sorry kung dalawa lang ha?? Favorite ko kasi to eh.."

"Para san naman yan?" Tanong niya..

"Peace offering tungkol dun sa nangyari kanina.. Sorry kung nahalikan kita.. Aksidente lang naman talaga yun eh.." sabi ko sabay kamot sa batok ko.. Lahat ng tao sa loob ng canteen kung makatingin akala mo may nagte-taping eh..

"Hindi mo naman kailangang gawin yan... Nabigla lang talaga ako kanina kasi, alam mo na, first kiss..*blush* Uhmm.. Babayaran ko nalang yan.. Magkano ba??"

"Aish.. Peace Offering nga diba.. Kahit di mo na bayaran okay lang.. Oh, sayo na to.. Sige, aalis na ako.. May pupuntahan pa kasi ako eh.. bye.." Sabay alis.. Ano nga ba ulit pangalan niya?? Nakalimutan ko!! "Miss!! Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya..

"Louise.." Louise? Parang narinig ko na yun ah.. Aish. Nevermind!!

"Ah.. Lance nga pala.. Sige alis na ko... Bye.." Sabay alis.. Simula nung may nangyari kanina sa hallway, parang naging interesado ako sa kanya.. Ewan ko kung bakit pero feeling ko matagal ko na siyang kakilala.. Weird...

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Casanova's Fat LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon