Episode 1: And He Said Goodbye

285 5 2
                                    

Alas onse ng gabi as I was walking down Session Road pabalik ng pad, nang

Kriiiiiing, kriiiing.. (ampangit ng tone eh bakit ba?)

Tita Kate Callling...

"Tita."

"Matt can you come over? Jeremy's acting weird and I know there's something, can you talk to him hijo?"

"Sure tita."

Dali naman akong umiba ng direksyon at ngayon'y naglalakad na patungong kila Jeremy. Tutal malapit naman na ang sakanila sa kinaroroonan ko ngayon, lalakarin ko na lang. Makalipas ang saglit na lakaran nkarating rin at bago pa man ako makapagdoorbell ay bumukas na ang pinto at dalidaling lumabas si tita para pagbuksan ako.

"Tita." Bungad ko.

"Hindi pa sya kumakain." sabi naman nito na halata mong nag-aalala.

Pumasok na kami at dali naman akong nagtungo sa kwarto ni Jer ngunit nakasara ito, nagtaka ako sapagkat si JV(Jeremy Von) ay ang tipong hindi naglolock ng pinto. Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Tinawag ko si tita upang hingin ang spare key (sana meron) ng kwarto ni JV at dali naman nitong kinuha ang hinihingi ko. Pagbukas namin ng pinto, napasigaw si tita pagkat si JV, nkahandusay sa sahig at duguan ang kamay. Naglaslas ang bestfriend ko. Dali ko syang binuhat para dalhin sa Hospital, si tita naman ay kinuha na ang susi ng sasakyan nila. Binigay ito sa akin.

"Tita sumunod nalang kayo, ako nang bahala." utos ko dito na parang mas matanda pa ako dito.

Nasa hospital kami at naghihintay ang sasabihin ng doctor. ng biglang lumabas ito.

"Ayos na sya, sa ngayon mahimbing sya at pagkagising ay pwede na syang kausapin." bungad ng doctor. 

Pumasok na kami sa loob at naabutang gising na ito. (Wa epek ang gamot sa matigas ang ulo). Alam kong alam nya na nandito na kami ngunit wala itong kibo.

"What's your problem?" bigla ay sinabi nitong sa galit na tono.

"What's YOUR problem? sagot ko dito na may diin sa salitang "your". Muli ay katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto kung nasaan kami ngayon.

@MattMatt Twitter Update: "Doing this PE thing here at the gym."

Antagal ng oras kelangan ko pang puntahan si JV. Siguradong pagod na si tita, wala pa iyong pahinga. 

"I've heard what happened. How's he?" tanung ng biglang sumulpot na si Shiela.

"Ok na sya." masungit kong sagot dito.

"Good to hear." ani shiela.. Kung di mo naman kc niloko ang bestfriend ko hindi naman sya magkakaganoon.  - sa isip ko.

Magsasalita pa sana sya ng biglang nagring iyong bell. "Ahh sige, maiwan na kita. Pupuntaha ko pa kasi sya." paalam ko dito.

"Ikamusta mo ko sa kanya." pahabol ng gaga. Nang-aasar ba talaga sya, o sadyang gaga lang sya?

Sa hospital inabutan ko si Tita na himbing sa pagkakatulog. Ginising ko ito upang sabihing ako naman ang magbabantay at pauwiin. Nakauwi na si tita ng mapansin kong naiyak si JV. 

Jeremy's POV:

"Oh ano na naman yan, umiyak ka ba?", tanong sa akin ng bestfriend ko.

"Ah, oo." sagot ko, sabay yakap sa kanya. "Nagbreak kami ng girlfriend ko, may bago na sya."

"Tahan na, Hindi karapat-dapat ang luhang yan sa kanya." (hindi si shiela yung gurl ha? iba si shiela yung first love ni JV.)

Hindi sana ako magkaka-ganito kung inibig mo lang ako, "Pasensya na bes, Ikaw lang pwede ko takbuhan eh."

My Last TweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon