Judges: The Scholars

479 19 9
                                    

HELLO, Martyrs! Kamusta ang nakalipas na mga araw ninyo? Nagawa na nga kaya ninyong isulat ang mga naglalarong scenes sa inyong isipan? O sadyang hindi pa rin natitigil ang digmaan sa pagitan ng inyong mga plot kaya hanggang ngayon ay wala pa rin?

Ano pa man ang kanya-kanya ninyong dahilan, bitiwan muna ninyo 'yan at kilalanin ang mga Scholars na handang makipagdigma sa inyo. Sila ang siyang inimbitahan para sa round na ito upang tulungan kayo. Gamit ang mga sagot sa tanong, may mapulot nawa kayong matibay na sandata na makatutulong sa inyo sa pagtatapos ng inyong mga akda.

Sino-sino nga ba sila?

Scholar #1: hasmina101

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Hello. Ligaya este Jassy na lang po ang itawag sa 'kin para kunwari close. Anyway, tulad nila/ninyo ay isa rin akong manunulat na patuloy pa ring nagpapakalat-kalat sa tabi-tabi upang may matutunan. Kasalukuyang naninirahan sa bansang mainit at may disyerto kaya malapit na ring matusta. Haha.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Una, 'yung unang pangungusap pa lang nakuha na nito ang atensyon ko para ipagpatuloy ang pagbabasa.

Pangalawa, istorya na hindi boring. Wala akong pakialam kung cliché ang plot mo o kung ano pa. Ang mahalaga ay kung paano mo ito nabigyan ng kakaibang putahe at ng ibang atake.

Pangatlo, settings. Importante ang settings para sa akin. Ika nga ng isa kong naging mentor, "ito ang magiging mood setter ng isang kwento."

Pang-apat, impact. Tulad nga ng sinabi ko, kahit gaano pa 'yan ka-cliché, wala akong pakialam. Importante sa akin ang impact dahil isa 'yan sa mga paraan para tumatak sa akin ang isang kwento.

Panglima at higit sa lahat, puso. 'Yung tipong hindi ko matutunugan na nag-focus lang 'yung manunulat sa salitang gagamitin niya para sa narration. Gusto ko makita na hindi lang utak ang ginamit sa pagsusulat, nandoon 'yung puso. Madalas ko kasi tingnan ang emosyon ng story dahil doon malalaman kung madadala ba ako o hindi. Ayokong maramdamang manhid ako habang nagbabasa.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Ang p'wede kong maitulong ay ang pagbabahagi ko ng kakarampot kong kaalaman pagdating sa pagsusulat. Haha. O, choosy pa? Chos.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang digmaan, ano iyon?

-Paganahin ninyo ang adrenaline rush ko.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-Ang maibibigay kong advice sa inyo, balansehin ang puso't isipan sa paggawa ng story. Hindi importante ang matinding twist kung masakit naman sa bangs basahin. Kung gusto ninyo ng matinding twist, siguraduhin ninyong maayos ang flow pati ang execution. Mag-ingat sa mga salitang gagamitin. 'Wag ninyong pagmukhaing robot ang mga character ninyo. Gawin ninyo silang totoong tao at may totoong damdamin.

PS: Maging aware sa teknikal kasi tinitingnan ko rin ito kahit hindi ako ganoon ka-perpekto sa isang iyan.

Scholar #2: PagOng1991

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Hi. I'm Joe. Iyon lang. Haha

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Gusto kong dalhin mo ako sa panibagong mundo. At isa pang hinahanap ko sa isang istorya ay 'yong aral na maaari kong mapulot.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

LITERARY OUTBREAK: Fight or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon