*Present*
First day ngayon ng school pero tamad na tamad pa din akong bumangon. Well hindi naman talaga ako ganito dati pero ganun talaga may mga bagay na nagbibigay ng dahilan para magbago ang isang tao.
A lot has changed nung nawala sya. Tulad ng physical appearance ko kung dati eh chix na chix dating ko, ngayon naman sobrang manang ko na. Hindi lang sa physical pati na rin sa emotional, hindi nako nagpapakita ng kahit anong emosyon kumbaga poker face lagi, yung walang paki sa paligid. At pati sa attitude, nagbago na ang pakikitungo ko towards other people. Masungit at mahina na ako pero pagdating mga kaibigan ko hindi naman ako ganun. Well enough of that. Balik na tayo sa story.
Nagayos na ako ng sarili ko. Daily routine lang, nakalugay ang buhok at school uniform. Ang school uniform namin eh pang Korean style pero pinasadya kong pahabaan yung palda ko.
"Oh pepe tara na kain na tayo." masiglang bati nito
"Okay." matipid kong sagot
"Hay nako pati ba naman sakin ganyan ka?" matamlay na sabi nito
Hindi na lang ako umimik. Pagkatapos naming kumain dumiretso na agad kami sa school. Magkasama na kami ngayon sa isang kotse at si manong Edgar na rin ang naghahatid sundo samin. Hindi na rin kasi ako nagmomotor at ayaw na rin ni Lea magdrive.
Pagkapasok namin sa school agad kaming sinalubong nila Marcus at Elyn.
"Beeeees! Omg namiss kitey!" masiglang bati ni Marcus with matching beso pa. Yah bakla si Marcus pero sobrang gwapo nito.
"John Marcus Asuncion! Do you even need to shout?!" inis kong tanong
"Oo nga Marcus. Para naman tong pepe!" pabirong sabi ni Lea
"Sana nga naging pepe na lang ako edi sana hinahabol ako ngayern ng mga fafa." sagot naman nito
"Nako Marcus isip mo talaga eh no?! Haaaay tara na nga Gem punta na tayo sa building natin." excited na sabi ni Elyn
"Don't call me Gem! Ilang beses na nating pinagusapan to guys?" walang gana kong sabi
"Sorry na Tyl. Nasanay lang." si Elyn sabay peace sign
"Fine. Let's go na." ako
So ayun naghiwa hiwalay na kami ng mg landas. Sila Marcus at Lea nagpunta na sa hair and nail care building.
Si John Marcus Asuncion at si Joanna Elyn Velasquez ang dalawa pa naming bestfriend. Kaming apat lang ang magkakatropa at wala ng iba.
Anyways maiba tayo. Nasa classroom na kami ngayon ni Elyn at hinihintay yung adviser namin. Pumwesto ako sa last row sa may bintana at si Elyn din sa tabi ko. Nakayuko lang ako sa desk dahil inaantok ako at eto naman si Elyn busy sa pakikipagkilala.
Busy ang lahat ng biglang dumating na ata yung adviser namin. Tsk muka namang tae na binilog -.-
"Good morning clazzzzz!" masiglang bati nito.
Nakaw bakla pa nga tong panot na to! Putcha sure ako madaldal to.
"Good morning siiiir!" masaya rin naman nilang bati
"Hep hep hep! At sinong nagsabi sa inyer na tawagin akiz na sir aber? Just call meh Ma'am Voila Gutierrez :)" buong kabaklaan nitong sabi
Aish! Kaya ayaw ko sa bakla eh (except Marcus) ang ingay kase nakakairita!
"So let's start first by introducing yourselves." Saad nito
Ayun nagsimula nang magpakilala hanggang umabot na kay Elyn.
"Hi guys ^_^ My name is Joanna Elyn Velasquez. And I'm 17 years old :) Hope that we can be friends." pacute pa nitong sabi
Then it's my turn. Pumunta nako sa harapan at nagsalita.
"I'm Tyler Gemina Aniston. 16 years of age. Don't ever talk to me." malamig kong sabi na ikinagulat naman nilang lahat excepet kay Elyn
"Uhm Ms. Aniston do you have any problem with your classmates?" nagtatakang tanong ni panotchi
"Nothing." matipid kong sagot
"ah.. okay :) you may take your seat now." nakangiti pa rin nitong sabi
Tss.. Hindi ba sya napapagod kakangiti? Pathetic!
Natapos amg 2 hours na klase ni panotchi na to sa kakakwento ng buhay nya at kakapatawa. At eto namang mga kaklase ko tuwang tuwa -.-
*Breaktime*
"Tyler tara na! Gutom nako." sabi ni Elyn
"Sige mauna ka na. CR lang ako." sabi ko
"Owkaaaay! Una nako dun ah. Ako na ang magoorder ng food mo :)" sagot nito
Tumango na lang ako bilang sagot.
Papunta nako ng CR ng biglang may nagtapon ng juice sa uniform ko.
"Oooops! Sorry Tyler hindi ko alam na nanjan ka pala." Sarcastic nitong sabi with matching taas kilay pa
Hindi ko na lang sya pinansin at dumiretso ng lakad. Pero hinawakan nya ko sa wrist at hinila paharap sa kanya.
"Ano yan na lang ba ang kaya mong gawin? Ang talikuran at takasan ako?" Pagmamataray nito
Hindi ko sya pinansin at tiningnan ko lang sya.
"Tsk weak. Ano naging ganyan ka na simula nung nawala si Lucas?! Ha?! Wala ka kasing kwenta alam mo yun?! Ewan ko nga kung bakit ako nag give way para sayo eh. Sasaktan mo lang pala sya! Nang dahil sayo namatay si Lucas! Dahil sayo! Dapat ikaw na lang namatay eh." galit na galit nitong sabi
Nang narining ko yung mga yun hindi ko na napigilang umiyak. Tumakbo na ako agad sa banyo at pumasok sa isang cubicle para umiyak ng umiyak. Pero biglang may pumasok kaya tumahimik na lang ako.
"Kawawa naman si Ate Tyler no?" sabi nung girl na mukang freshmen pa
"Oo nga eh. Nagulat nga ako nung nakita ko siya. Ibang iba yung itchura at ugali nya sa mga naririnig natin tungkol sa kanya noon." Sagot nung kasama nito
Oo ibang iba na nga ako. Hindi na ako ang dating Tyler.
"Pero diba dating bestfriend ni Ate Tyler si ate Rachel?" Tanong nung isa
"Oo. Ewan ko nga kung bakit naging ganun pakikitungo nya kay Ate Tyler." Sagot naman nito
Hinintay ko muna silang makalabas ng CR bago ako lumabas ng cubicle.
Tama lahat ng narinig nyo. Si Rachel Jane Dichoso ang dati kong bestfriend na ngayon ay worst enemy ko na. Kung bakit? Malalaman nyo rin sa mga susunod pa na mga mangyayari.
*Canteen*
Papunta pa lang ako sa table nila Elyn nang magsusumigaw na agad ito.
"Oh my goooosh! Tyler are you okay?! Narinig ko na inaway ka nanaman nung bruhang Rachel na yun!" inis nitong sabi
"Oo nga Tyl! Nakakalurkey talaga yan si Rachel. Akala mo hindi naging kaibigan eh!" sabi naman ni Marcus
"Hay nako pepe. Bitter lang yun -.- btw bakit hindi ka pa nagpapalit?" tanong naman ni Lea
"Wala akong dalang pamalit." sagot ko
"Uhm me! May extra ako Tyl ^_^" nakangising sabi ni Elyn
"No. Alam ko kung anong nasa isip mo." Ako
Alam ko kase na ang ipapasuot lang nyan sakin eh yung sobrang ikli nyang school uniform. Tsk -.- as if namang susuotin ko yun.
Kaya yun umuwi kami ni Lea na suot ko pa rin ang malagkit kong blouse. Psh damn you Rachel!
A/N: Panget ba guys? Comment kung hindi nyo gusto :/
![](https://img.wattpad.com/cover/71601609-288-k766482.jpg)