Chapter 6

2K 60 4
                                    

Bea Pov
Lord thank you kase gumaan ng konti yung kalooban ko, nasabi ko na rin kay jho kung ano yung dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Atleast alam na niya ngayon at hindi na siya masiraan pa ng ulo sa kaiisip.

Jho Pov
(Nakaupo sa sulok)😭😭😭 Hindi man lang pinatapos ni bei yung sagot ko tungkol sa sinabi niyang may gusto siya sa akin. Sana ngayon, alam na niyang ganon rin yung nararamdaman ko para sa kanya.

Jho anong iniiyak iyak mo diyan ha??? -pag-aalalang tanong ni ate ly

Ah eh wala ate ly, may naalala lang po ako -sagot ko naman

Jho kilala kita, hindi ka iiyak ng basta basta lang. Kahit ano pa yang problema mo, sabihin mo lang saken, baka sakaling makatulong ako. -ate ly

Ateee... 😭😭😭 si bei po kase, sinabi niya na may gusto siya sa aken. Ganon rin po yung nararamdaman ko sa kanya, pero nung sasabihin ko na rin po sana, pinigilan niya ako. Sabi niya hindi na niya kailangan pang marinig yung mga sasabihin ko, lumayo muna daw po ako sa kanya. Pero parang hindi ko kayang lumayo -sagot ko

Jho, ang relasyong ganyan mahirap. Kase maaaring maraming tao ang huhusga sa inyo, mga pamilya niyo baka hindi kayo matanggap. Pero ito ang tandaan mo, kung kaya niyong ipaglaban yan. Go lang, basta ikasasaya niyo, at wala kayong tinatapakang ibang tao. -payo ni ate ly

Salamat ate ly 😊 gumaan yung saket na nararamdaman ko -sabi ko

Alyssa Pov
Nakita ko si jho na umiiyak, tinanong ko siya kung bakit, at nagulat ako sa mga sagot niya. Pero pinayuhan ko rin siya na Go lang, basta ikasasaya nila.

Pinuntahan ko naman si bea, para tanungin sa mga nangyayari sa kanila ni jho.
Pagpasok ko sa room nila.

Bea, anong nangyari sa inyo ni jho, parang ang lungkot niya. -bungad kong tanong

Ah... eh... kase ate ly...... -sagot niya sana, pero pinutol ko at sinabi kong...

Alam ko na, di mo na kailangang itago pa, nasabi na sa akin ni jho. Bea bat di mo siya pinatapos sa mga sasabihin niya sana sayo??? -tanong ko

Para ano pa ate ly??? Para ipamukha sa aken na kahit kelan hindi niya ako mamahalin? Wag nalang ate ly. Kuntento na ako na nasabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko. -bea

Bea pano kung mahal ka rin pala niya? Pano kung matagal na? Sasabihin na sana niya kanina, pero pinigilan mo siya. Kase natatakot kang ma reject niya. Pero dapat bago ka nagmahal kaya mong tanggapin lahat ng mga consequences nito. At huwag kang matakot sa kung ano man ang mga mangyayari, kase bahagi yun ng pagmamahal. Minsan masasaktan ka, pero darating din yung oras na magiging masaya ka. Kaya puntahan mo si jho at itanong kung ano yung isasagot niya sana sayo. At kung ano man yon tanggapin mo ng buo sa puso mo. -payo ko kay bea

Ah ..eh.. sige po ate ly, pupuntahan ko siya -bei

JhoBea (Mahal Ko Na Siya...Pero,)Where stories live. Discover now