"Hindi Ko Kaya"

21 0 0
                                    

Hindi ko kayang iwan mo ako..
Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..
Ayoko maging alaala na lang ang lahat..
Yung mga panahong nagtatawanan tayo..
Mga panahong sabay tayong kumakain
Mga panahong sabay tayong umuuwi
Mga panahong sabay tayong natutulog
Mga panahong naglalambingan tayo
Mga panahong nagyayakapan
Mga panahong nagbibiruan
Mga panahong nagkakapikunan
Mga panahong nagkekwentuhan tayo
Mga panahong nangangarap tayo
Mga panahong nandito ka sa tabi ko
Mga panahong magkasama tayo,
Sa hirap man o sa ginhawa..
Hindi ko kayang makita kang may kasama kang iba
Hindi ko kayang iba ang rason ng mga pagngiti mo
Pero mas hindi ko kayang mawala ka bigla sa buhay ko.
Hindi ko kaya...
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka
DAHIL MAHAL KITA 💖
Kaya hindi ko kakayaning mawala ka
Mahirapan man ako..
Umiyak..
Masaktan ng paulit ulit..
Titiisin ko lahat..
Basta hindi ka lang mawala sa piling ko.
Sabihan man nila akong tanga
Basta hindi ko kaya kapag nawala ka.
Kaya nakikiusap ako sayo
Dito ka lang sa tabi ko
Kasi hindi ko kaya.

HINDI KO KAYA.

"LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon