Isang araw,
Maaalala mo yung taong minahal ka ng sobra..
Yung taong inintindi ka.
Yung taong nagtiis kahit gaano ka kahirap pakisamahan..
Yung taong pilit kang pinaglaban..
Yung taong hindi ka iniwan..
Yung taong nandyan kapag may problema ka..
Isang araw
Maaalala mo na lang siya habang kumakain ka..
Makikita bigla sa panaginip mo.
Na kahit anong gawin mo,
Siya ang pumapasok sa isipan mo..
Isang araw
Malalaman mo na lang na masaya na ulit siya..
Na kuntento na sa buhay na meron siya..
Na kuntento kahit wala ka na.
Na yung taong pinagtabuyan mo noon
Na yung taong pilit kang pinaglaban kahit gano kasakit
Na yung taong lagi kang iniiyakan noon
MAY IBA NA NGAYON..
Isang araw
Maiisip mo na lang na dapat pinaglaban mo siya
Na dapat hindi mo siya pinagtabuyan papalayo
Na dapat hindi mo siya sinaktan
Na dapat pinahalagahan mo siya
Isang araw
Kapag nabasa mo to
At pag naalala mo ko
Wala na ako dyan para sayo.