MLFAP 1: "The Beginning"

18 1 0
                                    

Iisang galaxy



Magkaibang planeta



Isang alien na nakatira sa Jupiter



at Isang tao na parang alien na nakatira sa Earth



Handa na nga ba silang makilala ang isa't-isa?



/ 3rd Person's POV /



*Seoul, South Korea 5:41 PM*



BigHit Ent. Practice room



Sa loob ng silid, makikita ang grupo ng mga lalaki na patuloy lang  na nagsasayaw.Mahahalata mo sa mga galaw nila na bihasa at sanay na sila sa gawain na ito.Swabe tingnan at kahit na mahirap ang mga dance step ay madali lang nila itong nagagawa.Kaninang 6 pa sila ng umaga at ngayon ay inabot na sila ng dilim.



Nang matapos ang kanta ay sabay sabay silang nahiga at sumalampak sa sahig dahil na rin sa tindi ng pagod.



Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.Tagaktak ang pawis ng mga lalaki at parang ayaw nang umalis sa pwestong kinalulugaran nila.

Pinangunahan ng isang lalaki na brown ang buhok ang pagbangon sa pagkakahiga kanina.Mahahalata pa rin ang bahid ng pagod sa kanya.


Matangkad siya, balingkinitan.Para siyang anghel na bumaba na galing pa sa langit.


Tumungo ang nasabing lalaki sa

Haaaaay...nakakastress, paano ba naman kasi nagpapractice kami para sa comeback namin.Siguro mga 12 hours na.Abalang-abala ang lahat dahil pinaghandaan at inantay talaga namin ang araw na makapagperform ulit kami sa stage.

Hindi pa nga ako nakakakain mula kanina, panay tubig lang kaya nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan.Tuloy-tuloy pa rin sila sa pagpapractice ng kanta at sayaw namin sa Fire.

Umalis ako ng palihim at umupo sa sulok.Nilabas ko ang cellphone ko at nagselca.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko, agad ko ng tinago ang cellphone ko at nag-isip na lamang kung anong masarap na kainin.Tuloy-tuloy lang ako sa pagde-daydream sa mga pagkain ng hindi ko namalayan na pumunta na pala si Jhope hyung sa pwesto ko.

"Hoy bata, anong inuupo-upo mo diyan?Bumalik ka dun, hindi pa tayo tapos at marami pa tayong aasikasuhin." Jhope

Nakipagtitigan lang ako kay hyung na tila ipinababatid ko sa kanya na magpahinga muna kami, pero 'di natinag ang loko at nakipagtitigan pa rin.

Lumipas ang ilang minuto at ako na mismo ang unang bumitaw sa pagbibigayan namin ng matatalim na tingin sa isa't-isa.Inirapan ko na lang siya.Agad naman niyang piningot ang tenga ko dahilan para mamilipit ako sa sakit at madagdagan ang sama ng loob ko sa kanya.

"HYUUUUNG, ARGGGGGH.....ANG SAKIIIIIIT!!!!!" Agad naman niyang inalis ang pagkakapingot niya sa akin.

Aisssh, mga magulang ko nga 'di nagawang pingutin ako tapos siya basta-basta na lang ako pipingutin kung kailan niya gusto.Haaah, ibang klase.

Ako naman lumapit sa tenga niya at sinabing "HYUUUNG NAMAN, PAGOD NA PAGOD NA AKO.KANINA PA TAYO NAGPAPRACTICE, TSAKA HINDI PA AKO KUMAKAIN MULA KANINA." Agad naman niyang hinimas ang tenga niya.Hahaaha 1 pt. for Jhope hyung and 1 pt. for me.

"KASALANAN KO PA BA KUNG ANU-ANO ANG PINAGGAGAWA MONG KALOKOHAN KANINA KAYA HINDI KA NAKAKAIN?" Jhope with matching taas ng kilay

Well, kinausap ko lang naman yung sarili ko sa salamin, nakipag-usap sa mga insekto, at nagpatugtog ng kanta naming Dope habang sinasayaw ang I Need U.Kalokohan ba 'yun?

"My Love from another Planet"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon