Trapped 6

7 1 0
                                    

Cloud's POV

Kung hindi ba naman ako nasiraan sa daan. Kung hindi ba naman ako sinita ng guard dahil wala pang gatepass ang sasakyan ko. Kung hindi ba naman ako minamalas oo. Edi sana ako ang kasama niya ngayon at hindi 'yong lalaking 'yon. Edi sana ako ang nagpapangiti sakanya ng ganon ngayon. Pero hindi eeh. Im really pissed because of what happened today.

Baka isipin niyang pinaasa ko siya at pinasakay nanaman sa mga pranks ko. For the sake of everyone I'll not do that again.
Sa sobrang nasasayangan ako sa pagkakataon na 'yon nasipa ko ang nakakalat na lata sa harap ko. Nakakapanghinayang lang talaga kasi. I hissed.
Maybe it's not the perfect time. Nagkamali lang siguro ako.

Smiled bitterly. Boyfriend niya kaya kasama niya? The way she hugged him in the parlor makikita mo talagang tuwang tuwa siya. The way he looked at Aliyah makikita mo talagang punong puno ng pagmamahal. The piece of me was hurt. Sana hindi pa ako huli. I admit. I like Aliyah since we were kids. I hope she will remember me. But its my own fault.  Im blaming myself until now.

Bro asan ka? Malapit na magtime.

Ace texted me. Isa din 'to. Eh kung tinulungan niya sana ako sa problema ko sa guard kanina edi sana mas maagang natapos pero ang ugok ayon pinatawanan lang ako.

Otw.

I replied.

Kanina ko pa pinagiisipan kung itetext ko ba si Yani or hindi nalang. But I chose to text her.

Yani. Im sorry. Nasiraan ako kanina and hinarang ng guard yung sasakyan ko kanina sa school. I hope for a second chance. Sorry talaga. I know nakita mo ako kanina sa parlor. Yes, I smiled at you. I search for you later. Take care Ali :)

Sent.

i smiled bitterly. sana naman hindi niya kasama yung lalaking kasama niya kanina.
I'll take the risk. Kahit maghintay ako sa wala ayos lang as long as alam kong siya ang hinihintay ko.

~~
Mabilis tumakbo ang oras. Uwian na namin at gabi na sa labas pero maingay parin dahil sa mga istudyanteng nagtatakbuhan sa koridor. Mga pasaway. Tsk.

Minadali ko ang paglabas at chineck ko agad kung saan ang last room ni Aliyah sa schedule niya na kinuha ko sa registrar office kanina. Ayaw pa nga akong bigyan ng copy kanina sa kadahilanang hindi ko naman daw kaano'ano si Aliyah. I said na pinapakuha ng magulang niya just to check her. Desperado na ako, magsosorry nalang ako pagnagkita kami mamaya. Yes. Sure akong magkikita kami mamaya. Kahit san siya magpunta mahahanap ko siya. Nagmumukha na ba akong stalker? Ang gwapo ko namang stalker.

Habang naglalakad papunta sa 2nd floor may nakasalubong akong lalaki. Namukhaan ko agad siya dahil siya yung kasamang lalaki ni Yani sa Icecream parlor.

Tatanungin ko sana siya kung saan si Aliyah kaso biglang may parang higad na umangkla sa kanya at hinalikan siya. Masyadong PDA,  kababaeng tao siya pa ang naginitiate ng kiss.
Napamura nalang ako sa isip ko. Kung nakikipaghalikan siya sa ibang babae its either he's cheating behind the back of Aliyah or they don't have relationship at all. Hindi katanggap tanggap ang una pero sana totoo ang pangalawa. Sana wala silang relasyon.

Sinilip ko muna ang room nila para tignan kung andun pa ba siya. And to my surprise nagkklase pa pala sila. So that jerk skipped their class huh?

Naghintay lang ako sa labas ng room nila. Napapatingin nga sakin ang iba niyang kaklase. Lalong lalo na ang mga babae. Yung iba pa nga nakaw tingin saka bubulong sa katabi.  Hindi naman sa pagmamayabang pero may ipanaglalaban naman ako pagdating sa kagwapuhan. Hindi self proclaim yan ha? Sabi kaya yan ng nanay ko. Tseaka proven na. Haha.

Hinanap ng mata ko kung san nakaupo si Aliyah. Madali lang naman siyang makita dahil sa blonde niyang buhok. Buti nga hindi pinagbabawal ang hair color dito. Pasaway din pala 'tong Aliyah na to. Im just looking at her. Ang ganda niya talaga kahit maliit siya.
Naalala ko nanaman ang una naming pagkikita sa campus. She's still have her skills.  Sumisipa parin na parang kabayo.
Noong una ko siyang nakita sa likod ng school nagulat ako dahil ang akala ko kamukha niya lang. Ang sakit talagang masipa lalo na si junior pa ang pinuntirya.
At sa pangalawang pagkakataon, pagsineswerte ka nga naman siya pa yung namanyak ng loko kong bestfriend at ang pinakaswerte pa dun nakatanggap nanaman ako ng isang superkick.

Ang boplaks ko lang dahil hindi ko agad siya namukhaan. Eh pano ba naman kasi yung profile picture niya black pa ang buhok niya tseaka maikli pa nun. Ngayon ibang iba na.

I think naglalaro parin siya ng taekwondo. She is still good in kicking.

Ilang minuto pa ang lumipas saka nagpadismissed ng klase ang prof nila. I checked the time. 7:13 na. Over time na ang teacher nila. Tumabi lang muna ako at sumandal sa pader. Napapatingin parin ang iba sakin. Ngumingiti pa nga ang iba so i have no choice kundi ngitian din sila. Baka sabihan nila ako snober kahit hindi naman talaga.

Ang daming nakaharang sa pinto kaya hindi ko makita kung palabas na ba si Aliyah.

"Tabi." then suddenly may narinig akong babaeng biglang sumigaw. Punong puno ng otoridad ang boses niya. Yung para bang Like-a-boss kumbaga. Humawi naman ang mga tao sa pinto. And a pettite girl just walked through the doors pagkadaan niya humarang nanaman ang mga taong nagtsitsismisan sa daan. Hindi ata niya ako napansin dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad ng may headset sa tenga niya. Kung tatawagin ko man ang pangalan niya hindi niya din maririnig 'yon. I just followed her hanggang sa napansin kong unti nalang ang tao at nasa baba na kami ng campus.

"Hey" tawag ko sakanya sabay kasabit. Hindi niya ako napansin. Or should I say hindi niya talaga ako pinansin. Deadma lang. Manhid manhidan ganon.

Inulit ko ulit yung ginawa ko. And this time tinanggal niya ang headset niya saka siya lumingon sakin na nakabusangot.

In a moment she just looked at me. Up and down. Nanlaki ang mata niya na para siyang nakakita ng multo.

Napakamot ako ulo at napatawa.

"Hi." i greeted her and waved my hand.

"he-hello" she greeted back pero nakatitig parin siya sakin. Napatawa na talaga ako ng malakas.

"Mukha ba akong multo?" i asked her.

"You are really in front of me." sabi niya habang tinutusok ang pisngi ko.

"Boo!" ginulat ko siya. Ang cute niya lang. Para siyang nakakita ng living doll at amazed na amazed siya.

Napamura siya saka niya ako sinuntok. A really hard punch in my face.

"Tukmol ka talagang Cloud ka! Hindi ko makakalimutan ang pangtrtrip mo sakin sa likod ng school at lalong lalo na ang pagmamanyak niyo sakin ng kaibigan mo! Ang kapal mo para magpakita sakin. Badtrip ka! Jan ka na nga!" she shouted at me. Pero wala akong nagawa kundi tumawa, hawakan ang panga ko at sundan siya. She's really cool. First time kong masuntok ng ganun. Yung suntok na nagsasabing worth it lahat ng ginagawa ko.

I stared at her back habang sinusundan siya. Napapatingin naman siya sakin minsan maybe she's checking me kung sumusunod parin ako sakanya.

The way she looked at me with her pissed face. The way she hissed and curse at me in a little tone of voice. The way she walked away from me and the way I follow her.
This night I just proved one thing in myself. I really like this girl. Its weird right?

Well she's Aliyah. Im willing to take the risk just for her and for our unremembered friendship. Hayaan mo Aliyah,  unti nalang. Unting unti nalang.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon