ANDREA

11 0 0
                                    


Andrea

  Urgh! I really hate summer! Like the usual, nasa bahay lang ako at nakatambay buong magdamag! Habang ang mga kaklase ko ay nababakasyon kung saan-saan! This is bullshit!

"Andrea! bumangon kana dyan! maglinis ka ng bahay ang dumi-dumi! ang tagal nyongg gumising! wala kayong katulong!" sigaw ni mama sa amin ng kapatid ko.

Gosh! ito pa ang hindi ko talaga gusto! ang araw-araw na marinig ang bunganga ng mama ko!

Ako lang ba ang tao sa bahay nato!? bat ba ako nalang lagi ang nag aasikaso sa bahay?!

"oo mama! bababa na!" bumangon ako ng kama ko na nakasimangot.

Pagkababa ko ay nakita ko si mama na nakatayo sa may pintuan at naninigarilyo.

Almira, i mean si mama .. Mabait naman sya kung hindi nakainom. Ang tatay ko namang espanyol, si Antonio ayun iniwan kami naka diaper palang ako. Halos wala na akong matandaan sa kanya. Si Stephen, ang bakla kong kapatid. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon. Adik sa lalake at halos lahat ata ng kapitbahay namin eh nagalaw na nya. Ewan ko lang at alam ni mama ang pinag gagawa nya at wala din naman akong paki alam. Proud ang baklang yun sa buhay nya.
AKO? well, maganda.. maganda sa paningin ng aso siguro! Ordinaryo lang akong babae. I think so.

Habang naglilinis ako ng bahay hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako ka BLESSED sa pamilyang to! tss! Kung may pagkakataon eh aalis ako sa lugar na 'to!

Marami akong memories sa buhay. Ang saklap nga lang eh dahil puro panglalait ang naalala ko. Nasa third grade palang ako eh tinutukso na ako ng mga kaklase ko na iniwan ng tatay! bakla ang kuya! pangit! baboy! at kung ano-ano pa. Halos wala akong maipagmalaki.
Mabuti nalang at lagi akong pinagtatangol ng teacher kong si Mrs. Reyes. She always makes me feel i am different. Na may talent ako at matalino ako.

Kaya hanggang sa grumaduate ako ng elementary ay nag pursige ako at naging valedictorian. Si almira at stephen naman ay di makapaniwala.

Hanggang sa naging high school student ako ay patuloy parin ang pagbabago ko. Lagi akong nakakakuha ng straight na 90+ na grades. I love books, i love schooling .. pero di parin nawawala ang pang iinis ng mga kaklase ko sa akin. WALA SILANG PAKI ALAM sa grades ko maliban ky Mrs. Reyes.

i admit, proud na proud ako sa grades ko. I come home running para lang makita ni mama ang straight na line of 9 sa grades ko at ito ang tanging sagot nya, "ah, mabuti.. pumunta ka dun ky kuya fred mo at manghingi ka ng premyo mo."

Napa singhot nalang ako at nadismaya. "ok ma, salamat sa concern.."

Duh! They are all idiots! No one understands the real purpose of these grades dahil mga wala naman silang pinag aralan. I shouldn't be dissapointed. Instead, I should seek more accomplishments para makalayas nako sa hell-like na lugar na'to!

Dahil narin sa mga achievements ko sa school ay maraming na iinsecure sa presensya ko. Fvck! They always make fun of me!

"OH MY! here's our doggie girl na buntot ng buntot ky mrs. reyes! Arf! arf! " sabi ni karen, isa sa mga lider ng gang sa school. Sabay nagtawanan ang grupo nyang mga elite. Leche! May araw din kayo sa akin!

At ang talagang nakakabwisit sa lahat ay ang isang lalaking titig pa lang nya ay maiiyak na ako.

His name is TYRONE VALLEJO.

-------------------------(•_•)---------------------------

Thanks for reading!
Sorry for the wronng grammar if meron man AHAHAHA!
and typos also.. I'm currently using my cellphone while writing this dumb ass like story. Lol 😂
This is just the beginning! Watch out for the next chapter!
Saranghaeyo! 💋💋💋💋💋💋

A Taste of AndieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang