Chapter 2: Comfort

0 0 0
                                    

Naomi.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ang alis ng mga magulang namin kahit ayaw namin wala rin kaming magagawa at ngayon rin ang araw ng lipat namin sa bahay ng mga kuya namin ganun kadali noh dati kayo pa tapos ngayon break na kayo, dati i love you ang sinasabi ngayon break na tayo.
Ay sorry wala po yun napahugot lang.

"Oh mga bata alagan ang sarili. Wag magbulakbol. Kayong mga lalaki kayo na ang bahala sa mga babae." pare-pareho at paulit-ulit nilang paalala para naman kaming bata eh

"Opo" sabay sabay naming sabi at sabay sabay na bumeso at nagpaalam bago sila umalis.

On the way home kami para mag-impake at lumipat sa bahay nila kuya.
Grabe mamimiss ko yung bahay namin malapit na rin kasi ang pasukan mga one week na lang. Parang kailan lang bata pa ako tapos ngayon lilipat na ako ng bahay ano ba yan ang drama ko sobra.

"Ano ready ka na kambal" -Ethan siya ang kakambal ko. Dahil ayoko kong magsalita tumango na lang ako at binitbit niya ang mga gamit at sumakay kami sa sasakyan. Dadaanan pa namin yung tatlo. Alam kong nagtaka kayo may kapatid kasi si Liana na si Kuya Neil.

Inuna namin si Savannah kasi mag-isa lang at sinunod ang magkapatid medyo matagal din ang biyahe at lahat kami tahimik lang alam ko namang ayaw nila Savannah magsalita pa dahil sa bagong school. Walang naexcite sa aming tatlo kahit ako kasi malungkot yung dalawa.

"Gusto niyo munang maglunch" pagbabasag ni Kuya Jonathan sa katahimikan

"I just want to rest/ Gusto ko lang magpahinga" sabay na sabi nila Savannah at Liana

Wala naman silang nagawa kaya tumahimik at pagkatapos nun mabilis kaming nakadating sa bahay nila at malaki to. Tumuloy na lang kami at pumunta sa sarili naming kwarto.

"Kausapin mo naman yang mga kaibigan mo kambal masyadong naging tahimik" -Ethan

"Oo nga di ko na makausap si Liana ng maayos" -Kuya Neil

"Try ko pong kausapin sila" sabi ko at ngumiti, tumaas na ako alam ko kasing magkasama na yung dalawa sa isang kwarto pagmalungkot at alam kong sa kwarto ni Liana sila

*tok tok tok*

At di naman ako nagkamali ng buksan ito ni Savannah

"Mga Bhest" malumay kong sabi "Anong problema??" dugtong ko

"Alam mo kung ano" malungkot na sabi ng nakahigang Liana

"Mga Bhest okay lang naman siguro namagkita-kita kayo di ba tsaka two years ago na yun hindi ba kayo nagsasawa, alam ko na alam niyo na nakamove-on na sila pero kayo hindi pa nahihirapan akong makita kayo ng ganyan" sabi ko grabe ang haba nun

"Bhest masakit pa rin eh" at tuluyan ng umiyak si Liana at syempre niyakap ko

"Alam kong masakit pero ganito na lang ba kayo palagi na iiyak nahihirapan, move-on na kayo" sabi ko pa at ngayon dalawa na ang kayakap ko at pareho pang umiiyak

"Masakit kasi na hindi siya lumaban at hindi niya ako pinigilan" -Savannah

"Savannah okay lang yan sabi nga nila may dahilan ang lahat tulad na lang nung iyo malay mo kaya yun nangyari kasi may bagong darating para sayo" -ako

"Bhest tulungan mo naman kami" - sila
Inalis ko sila sa pagkakayakap at hinawakan ang tig-isang kamay at napabuntong hininga ako

"Mga Bhest magmove-on na kayo, Liana na kalimutan ka na niya wala ng magbabago pa kung maalala ka pa niya malay mo may gf na siya kung maalala ka pa niya hindi na kayo magkakabalikan kasi iba na ang mahal niya at kung bumalik man ang alaala niya hindi ibig sabihin non babalik na rin kayo sa dati" paliwanag ko sa kanya. "At Savannah nasaktan na sya sa ginawa mo alam kong nasasaktan ka rin at kung sabihin mo man sa kanya na mahal mo pa siya wala ring magbabago dahil alaala na lang ang meron kayo. Mabuti pang magmove-on na kayo para sa ikakasaya niyo" -ako

"Itatry ko wala naman sigurong mawawala tsaka tama ka siguro na malabo ng maalala niya ako" -Liana

"Itatry ko rin" -Savannah

At ngumiti na rin sila yan ang hinahanap ko.

"Tapos na kayo siguro dyan naghanda na sila ng hapunan" sabi ni kambal at umalis na hindi pala namin na malayan na madilim na.

"Tara na" - Savannah na tumayo na at sumunod na kami.

Parang walang nangyari dahil ang dalawa bumalik sa kadaldalan kaya kami napangiti na lang sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng dinner namin naglinis na ako ng katawan at natulog

WHAT A BIG DAY.

*********

End of the chapter guysss...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon