2 weeks na rin pala nakakalipas after nung ballpen incident na yun. Nakipag palit na kasi ako ng upuan. Okay na sa harap ako wag ko lang sya maramdaman.
"Kristen, Its already friday. Bar?" Aya asked me excitedly
"Sure bantayan mo naman ako oh" paalala ko sa kanya. Ayaw ko na malasing ng ganun badtrip kasi yung truth or dare na yan. Ayaw kong umamin at mag dare. Knowing my friends
"Ayaw ko nga! bleh" pang-aasar nya. Childish
"Edi mag bar ka mag isa mo" sabay alis papuntang cafeteria. Gutom na ako
She ran towards me "Hey joke lang. Oo na babantayan ka na"
Success! Sasamahan ko pa rin naman sya eh kahit di nya ako bantayan. Mamaya may mangharass sa kanya, Mabait kasi masyado kahit kanino pumapayag.
"Okay cafeteria na tayo" I smiled
I start eating my favorite food here. While Aya never stop talking about different men she met last saturday.
"Gosh! Ang gwapo talaga nya. Sarap i seduce urgh"
"Kahit suplado, naiinlove ako sa kanya waaa" other girl
Sino tinutukoy ng mga babaeng maharot na to. Karamihan ng babae sa cafeteria ay nakatingin sa taong nasa likod ko ngayon. Tumalikod ako para matingnan kung sino.
Kaya naman pala. Si Marcus Ray Guevarra the only man who worship by every women in our school. Sa tagal na namin magclassmate nakilala ko din sya.
"Omg girl, he's hot" Aya said while looking at him. Di man lang mahiya kung mahuli syang nakatingin.
"So? Suplado naman" Tinuloy ko na ang pagkain ko ng lunch pero sya di pa rin tumitigil kakatitig
"Ano naman? Yun nga nakakainlove sa kanya eh. Balita ko may umiyak nanaman sa hallway kanina dahil sa kanya" Ani Aya habang naglalagay ng hand sanitizer sa kanyang kamay
DI NA BAGO YUN. Everytime na maglalakad kami sa hallway its either may makikita kami na nakaluhod sa harap nya or may umiiyak sa harap nya dahil sa pang babasted nya. Sobrang jerk talaga feeling gwapo. Eto naman mga babae alam na nilang irereject sila, wala lang sa kanila. Hays
I don't know why girls were the one who beg to be notice by that jerk. Ganun na ba sila kadesperada? God!
"Lets go Aya, malapit na next class ko" Sabi ko kay Aya. Pero mukhang wala sa akin yung attention nya nasa lalakeng kausap nya ngayon kaya nauna na ako.
Habang hinihintay ko ang prof namin, dumaan sya at ramdam ko nanaman yung bad aura nya. He's wearing a white v-neck shirt with his favorite dogtag. Ang simple ng damit nya pero ang lakas ng dating tapos effortless lang yung messy hair nya. C'mon Kristen stop looking at him, you look creepy and I'm dicing with death right now
BINABASA MO ANG
Falling into Place
Romance"I know that loving me isn't easy because I always lose myself" -Kristen "I know but I'm smitten... I'm in deep smit" -Marcus Romance All Rights Reserved Filipino 2017 ©Tinecialilcat