ORIGINAL STORY BY: KOLLENE DONCILLO
AUTHOR'S NOTE: ALL CHARACTERS IN THIS STORY ARE FICTIONAL, AND ANY RESEMBLANCE TO REAL PERSONS LIVING OR DEAD IS PURELY COINCIDENTAL. DO NOT COPY ANY CONTENT OF THIS STORY WITHOUT THE PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME!
PROLOGUE
What crown you want to wear? Gold or thorns?
What is the most powerful weapon in the world? Sword, knowledge, or love?
What kind of power do you have? Wisdom, faith or hope?
Hindi ko alam kung anong isasagot sa mga tanong na nakikita ko sa panaginip ko. I always encounter these kind of nightmares every full moon. Is it coincidence? or there are someone in the dark who's watching on me?
Bakit hindi ako nasugatan o napaso nung nagkaroon ng explosion sa laboratory ng school namin? Nakakahinga rin ako ng maayos sa ilalim ng tubig. At bakit tila naiintindihan ko ang sinasabi ng mga ibon na nakatira sa kisami ng bahay namin?
I know that there is something special in me. But it is a mystery.
I am Catriona Abella. And this is my story...
CHAPTER I
WINTER'S WAR IN KINGDOM OF FRANCOVIA
Taglamig sa buong kaharian ng Francovia ng biglang sumalakay ang mga tusong kalaban mula sa kaharian ng Queran. Sa pagbagsak ng nyebe sa bubungan ng isang makapangyarihang kaharian, kasabay nito ang pagtama ng pana ng apoy sa haligi nito, dahilan upang masunog at pasukin ito ng mga mandirigmang Queranian. Ang hari ng Francovia na si Zyrus ang namuno sa pagtatanggol ng kanyang kaharian. Kasama ang kanya punong kawal na si Gefron, sumakay sila sa pegasus at nagsimulang dumanak ang dugo ng mga Queranian sa mga espada ng Francovian.
Gamit ang ginintuang sibat ni Zyrus, napatumba niya ang kalahati sa mga kawal ng Queranian. Ang kanyang sibat na gawa sa ginto ang pinaka matibay at matalas na armas sa buong Francovia. Ngunit di inaasahan ni Zyrus ang pagdating kalaban hula sa himpapawid.
Isang dragon. Ang dragon ang siyang kinatakutan ng bawat nilalang sa kaharian ng Francovia. Sa pag-aakalang ang dragon ay isa lamang alamat, nabago ito ng kanilang masilayan mula sa himpapawid at tumapak sa lupa.
BINABASA MO ANG
THE GREAT GODDESS
FantasyNaniniwala ka bang mas may makapangyarihan pa kaysa sa tao. Na mayroong mga nilalang na hindi pa nadidiskubre ng mundo. Na may isang mundo kung saan nagaganap ang mga bagay na imposible. Ang mga diyos at diyosa ba ay nakakaramdam din ng pag-ibig? Na...