Unstopable PAIN: Teardrops

93 18 39
                                    

Saturday night. As always kasama ko na naman sya sa may bubong ng bahay namin. This is used to be our day. Araw kung kelan kaming dalawa lang ang mag kasama. Masayang nagkukuwentuhan, at nagkakantahan, plus ang midnight snack.

Walang GF na umaaligid. Walang mga chismosa. Kami lang dalawa.

" Anne, kanta tayo. O magkukuwento nalang ako?"

" Kanta? Chris naman, sintunado ka kaya XD tsaka pag nagkuwento ka baka makatulog ako. Paulit ulit ka pa namang magkuwento."

" Ah ganun? Nilalait mo na naman ako??"

And as if on cue, tumakbo ako at nagsimula na siyang habulin ako. Lagot ako pag nahuli nya, kasi mamatay ako, mamamatay sa kiliti .. hahaha..

Nung mapagod na kami, nagsimula na syang magkuwento..

" Gab, kanina ko pa to gustong sabihin sayo. Sana maging masaya ka din sa sasabihin ko.."

Alam ko naman sa sarili ko na tungkol na naman to sa mahal niya. Everytime na kinukuwento nya sakin tong babaeng to naiinggit ako dun sa girl. Hindi ko pa sya nakikita, pero sa tingin ko maganda sya, matalino, masarap kasama at aalagaan talaga si Chris. Lagi kasing pinagmamalaki sakin ni Chris yun eh.

" Sana walang magbago satin Anne... kasi... Kami na ni Althea"

I smiled pagkasabi nya nung Althea. A fake smile, I guess :/ Akala ko kaya kong tanggapin pag nangyari tong araw na to. Akala ko hindi ganun kasakit.

" Cong... g-grats..."

Eto na naman ako. Pinipigilang bumagsak ang dapat bumagsak. Haaayyy!

" Alam mo, nahirapan talaga ako sa surprise proposal ko sa kanya. Ginamit ko nga yung sinabi mo sakin dati eh, yung about sa dream proposal mo. Grabe sobrang natuwa talaga siya"

****Flashback****

" Anne, diba sabi mo may gusto kang lalaki? Sabi mo gwapo siya at mabait?!"

"Oh, bakit??"

" amhh. Kung may pagkakataon na tanungin ka nya kung pwede ka niyang maging GF, O-oo ka ba?"

"Depende sa kung pano niya yun ipopropose"

" ang arte mo naman. Bakit, pano mo ba gusto?"

" amhhh. Gusto ko syempre hindi ko dapat ineexpect na mangyayari ang lahat. Ayoko ng sa may field or court/gym ng school dahil ang cliche. Gusto ko sa amhhh.. wait"

" Oh bakit na naman??"

Nagdrawing saglit si Anne..

"Eto, dun sa may fountain, kahit sa park lang na may fountain. Tapos ayoko ng balloons, masyadong makeso. Okay na sakin na sa bawat paghakbang ko puno ng white, green and red rose petals. Tapos dapat andun yung mga kaibigan ko. Tsaka mas maganda kung may anklet na ibibigay sakin na may kaparter na kwintas na siya naman ang gagamit. Tapos dapat habang sinusuot sakin nung guy yung anklet, biglang tutugtog yung favorite song ko at gagana bigla yung fountain. Mas masaya kung tatiming ang pag ulan, mas romantic. and atlast gusto ko hindi nya ko pipilitin, at walang sisira ng moment. Tsaka... teka nga, bakit mo ba tinatanong??"

"*smirk* eh bakit mo sinagot?! HahahaXD pang fiction naman yang mga pinagsasasabi mo, ang hirap gawin"

"Bakit, sinabi ko bang gawin mo?!"

" *smile* *wink* "

*********
Naalala ko bigla yung mga moments na yun. Akala ko sakin niya yun gagawin -_-

" haha, buti naman pareho pala kami ng taste ni Althea. Congrats ulit ha. Baba na muna ako, sumakit ulo ko eh"

" sabay na tayo Anne"

Unstopable PAIN: TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon