Chapter Twelve: The Winner's Prize

638 7 4
                                    

Take My Heart Mr. Cassanova

Chapter Twelve

The Winner's Prize

~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~**~

Xandie Cortez's Point Of View

"Ummph!" The only words that my mouth can release.

Letche! Ang pangit na nga ng simula na nga ng araw ko tapos may ganto pang ka-dramahan! Ugh,can my life get any worst?

Tahimik lang ang mga kidnapper ko at prenteng-prenteng naka-upo. Aba! Iba rin to ah. Ang alam ko sa mga ganto dapat naga-apiran sila kasi diba nga nakuha na nila ako EFFORTLESSLY!

"Ummmph!" Impit kong sigaw at patuloy pa rin ako sa paglikot sa upuan ko.

At eto pa NR ang kidnappers. As in NO REACTION! Himala nagka-class na ngayon ang mga kidnappers, hindi na sila parang mga nakawalang palingkero!

Medyo tumigil na ako sa pagpipiglas at iniikot ang tingin ko sa mga kidnappers na 'high class'.

Aba teka! Ang gogondo naman ng mga mata neto! Mata lang! Kahit naka-mask, kita mo sa balat nila na fair ang skin tone nila. At infairness, ang bango netong panyong nakatakip sa bibig ko ah!

Ipiniling ko naman ang ulo ko dahil sa kung ano-anong pumapasok sa kukote ko. Na-kidnap na nga ina-admire ko pa yung kidnapers at pati panyo! Pwe!

*ring* *ring*

Tunog nung cellphone ni koya kidnapper one. Sinagot naman nya agad ito. Habang ako tahimik na lang tutal wa-epek naman sa mga kulugong to ang pagi-inarte ko.

"Oo, kasama na namin sya," mababang boses na sabi ni koya kidnapper.

"Sige, malapit na naman kami," tapos binaba na nya phone nya. Inpyernes naka-iPhone si koya. Hindi nga ako nagkakamali, 'high class' .

"Geh dude, itigil mo na dyan sa tabi," sabi ni koya kidnapper.

Tumigil na yung sasakyan at pagka-bukas nung pinto karakaraka naman akong tinulak palabas na nag-cause para makiss ko na yung lupa. Eew.

Gurabeh! Wala pa lang manners! Kala ko naman may class na.

Pilit kong binalingan yung mga kidnappers tapos sumaludo lang yung isa at kumaripas na sa pagtakbo ang black van.

Ganun? Weirdos..... Siguro na-tripan lang yun since hindi naman sila mukhang or astang kidnappers eh.

Pero teka! UWAAA! Meron pa pala akong panyo sa bibig ko at tali sa kamay! HUHU!

Hindi naman ako makatayo kasi ang hirap kaya! Like DUUH! Hindi ko maituon yung kamay ko bilang support!

Shucks, mukha na talaga akong tanga dito buti na lang walang taong dumadaan, biruin mo nakatali na nga ako eh nakadapa parin ako. Argh! SOMEONE HELP ME!!

Sumaya naman ang hirap na diwa ko ng mamataan kong may papalapit na tao sa akin. Oh thank goodness!

Nang maaninagan ko kung sino man yung pwedeng makakatulong sakin parang mas gusto ko pa yata duon sa mga kidnappers kuno kesa sya yung nasa harapan ko.

Ini-kneel nya yung right tuhod nya para medyo maka-level nya ako.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko. Oh how I hate those playful smiles of his, "tsk, tsk. Looks like Ms. P. is experiencing a little problem."

"Ummph!" Sabi ko. Haller yun lang kaya ang nailalabas ng bibig ko!

"What did you say?" Inilapit pa nya yung tenga nya sakin.

Take My Heart Mr. CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon