MSP. 11 - "Intrams Part 1"

1.5K 27 3
                                    

Bago po ako matulog. Eto muna po ang GoodNight Chapter ko sainyo :*

Happy 96 Reads!!!! Thanks!!! HAHAHAHA LoveUAll :**

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 11

DJ’S POV

Maaga pa pero pumasok na ako kaagad sa university. Kasama ko si Khalil ngayon.

Kahit maaga pa ang dami na agad estudyante. Excited siguro sa Intrams. May nagba-badminton, chess, volleyball, at basketball sa buong campus. Gustong-gusto ko talaga pag-intrams. :)

Maya-maya ay  ay pumunta na kami ni Khalil sa CR para magpalit dahil kami ang 1st game sa basketball ngayon Red Team Freshman vs Blue Team Freshmn. Ikaw kasi ang pipili kung san mo gustong team sumali, and luckily, magkasama kami ni Khalil sa Blue Team pero kalaban namin sina Quen.

Pagkatapos naming magbihis ay pumunta na kami sa auditorium at pinuntahan na namin ang mga ka-team namin.

Konting warm-up warm-up, then konting guidelines sa aming coach na si Sr. Rivera.

Tiningnan ko muna ang paligid tapos nakita ko si Kath na kakaupo lang sa isang bench. Kasama nya sina Kiray, Miles, at yung Kyle.

Nakita ko rin si Julia, pero alam kong si Quen ang ichi-cheer nya. Pero dapat galingan ko para mapahiya si Quen kay Julia. Isa rin yung bawas pogi points no.

Narinig na namin ang bell, ang sign na mag-start na ang laban.

First Five ng team namin. Ako, Khalil, Diego, Albie, at Jerome

Sa kabila naman ay sina Quen, EJ, Francis, Jhake, at Paul

Nagsimula na ang game. Eto na. “GO BLUE TEAM!!” sabi naming lahat.

-------------------------------------------------------------------------------------------

 KATHRYN’S POV

Start na ng game nila Quen. Ewan ko kung sino ichi-cheer ko between DJ or Quen. Nandyan kasi si Julia ee.

Pero wala nang hiya-hiya. Pakapalan ng mukha ‘to

“GOOOO Ennnrrriiiiiqqqquuuueeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko

“Gurl di mo ichi-cheer si DJ?” tanong ni Kiray

“Bakit ko naman sya ichi-cheer?” ako

“Diba friends naman kayo? Sya nalang i-cheer mo kesa si Enrique. Nandyan naman si Julia e” Miles

“Wala kayong pake. Mahal ko si Quen kaya dapat dun ako” ako

“Kath, kung ako sa’yo kay DJ ka nalang magcheer, vibes ko kasi na sila mananalo ee” Kyle

“And so? Hayaan mo sila, basta ako Quen lang..” ako

“Bahala ka nga dyan Gurl” Kiray

Tumingin ako kay Kiray sabay abot ng Pineapple Juice ko “O inumin mo para tumigil ka na” kinuha naman agad ‘yon ni Kiray.

Heavy! Basta pagkain walang hiya-hiya. Tsk tsk..

Nagpatuloy na ang laban at patuloy pa rin ako sa pagchi-cheer kay Quen. Lamang sila DJ. 9-12 ang score.

Para ngang championship ang labanan sa sobrang dami ng nanonood. Kanya-kanyang cheer. May Red Team, may Blue Team din.

Nakita ko si DJ na pawis na pawis. Todo-effort ang loko. Isa nga syang MVP.

Grabe, ang gwapo nya parin kahit pawis, pero mas gwapo si Quen ang hot pa!

My Stalking Partner (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon