"Waaaah..." *Q*
Nagdaday dream nanaman ako. Paano ba namang hindi eh pinapanood ko lang naman ang gwapo kong fiancee maglaro ng basketball.
"Kai!"
Sigaw ng ka-team niya at pinasa sa kaniya yung bola at syempre nasalo niya. Ngumiti siya at nagtilian yung mga babae. Tinakpan ko yung tenga ko, ikaw ba naman yung mga katabi mo sumisigaw at nagtitilian! >____________<
Pero okay lang naman atleast alam ko maraming fans ang labidabs kong si Kai. Lels.
Tumatakbo na si Kai papunta sa ring, maraming humaharang pero dahil magaling siya nakalusot at naka-shoot siya. Lalong lumakas yung hiyawan at tilian sa loob ng gymnasium. Sinalubong si Kai ng mga ka-team niya naghampasan sila sabay tawanan. =___________= seriously, mga baliw ba tong mga taong to?
Madami naman sa mga babae nag-cheer at nagtatake ng mga picture nila paparazzi lang ang peg, nagkikislapan ang mga flash ng camera nila ako naman maski cellphone walang dala kaya wala akong remembrance sa laro ni labidabs ko. =__________= okay lang yan, maglalaro naman sila ulit bukas eh, sana nga good mood siya at sumali siya bukas sa laro.
Sa totoo lang hindi naman totoong laban yung pinapanood ko eh. Katuwaan lang nila mag-laro pero dahil mga sikat ang naglaro dito sa gym kaya maraming nanood kabilang na yung singkarat.
(A/N:singkarat-plural form ng malandi >____<) Feeling ko nga nakalibre ako ng seat sa NBA dahil sa ingay at dami ng mga nagfaflash na camerang mga DSLR. Sila na rich kid nahiya naman ako T__________T.
Kung gaano katagal natapos yung laro ganoon naman kabilis umalis yung mga nanood. Parang silang mga langgam na nagsi-alisan dahil sa dami nila. Psh... If I know di naman yung laro ang habol nila, yung mga lalaki. Bumaba na ako ng bleachers at pumunta kung saan nagpapahinga si Kai at yung mga kaibigan niya.
"Nice game dude!"-guy 1
"Oo nga! Ang dami pang chiks na nanood sakin!"-guy 2
"Ulol! Di ikaw ang pinuntahan no! Si..."
"KAI!"-sabay si guy 1 at 2
(A/N: pasensyahan na po ako!( >/|\< ) )
"Tumigil nga kayo..." - Kai
Malayo pa ako sa pwesto nila pero naririnig ko yung usapan nila. Paano? Ang laki kaya ng gym, nag-eecho yung mga boses nila.
Nung malapit na ako saktong napalingon si Kai sa direksyon ko, kumaway ako.
"Ka--"
Tinignan niya ako ng masama. Alam ko ibig sabihin nun. 'Don't call me Kai'. Tinikom ko yung bibig ko at huminto sa paglapit. Napansin ako ng isa sa mga kaibigan niya at tumingin sakin.
"Kilala mo?" Tanong niya kay Kai. Please sabihin mong oo > /|\ < nagmamakaawa ako.
Tumingin naman sa akin si Kai at ngumisi siya, tumibok ng mabilis si mr. Heart. Shot!
"Hindi"
Bumagsak yung puso ko. HUWAAT?! Ako? Di niya daw ako kilala?! Akahdifpg@:#3t/
Pinigilan ko yung sarili ko na atakihin yung mayabang niyang pagmumukha at umalis na ng may marinig akong matining na boses.
"Kai! "
Napalingon ako at nakita ko si Sheena.
"Hey Shee..." Bati sa kaniya ni Kai ng nakangiti. Nagpout ako at tumalikod na. Nakatayo lang ako doon ng nakatalikod hanggang matapos yung kwento. Di joke, syempre common sense umalis na ako. Di ko matake pag magkasama na silang dalawa.