"Girl! Girl!"
"Tangina naman, Katie! Sabi ko sayo tigilan mo kakatawag sakin ng girl. Nakakarindi!"
"Baklaaaaa! Kailangan ko ng resbak!!!"
"HA?! Diba sabi ko sayo 'wag ka na mang away?" galit na sabi ko at hinawakan niya ako sa dalawang balikat.
"Hindi naman ako, yung ex kasi nung kapatid ko! Tulungan mo ko!" sigaw ni Katie at hinila ko.
Jusko naman. Sabi na, umpisa palang ay masama na ang kutob ko doon sa boyfriend ng kapatid ni Katie na palagi niyang kinukwento sakin!
"Pasalamat ka talaga, Katie. Pang-ilang ex na 'to ng kapatid mo na niresbakan ko ha!" gigil na sabi ko pero hindi niya pinansin. Napailing nalang ako. Hindi ko na alam gagawin ko sa kaibigan kong ito, pati na rin sa kapatid niyang puro palpak ang nagiging boyfriend!
"Ayun girl—I mean bakla! Yung lalaking naka-all black. Yung palabas ng Dunkin!" sabi niya habang nakatingin doon sa lalaking tinutukoy niya.
"Yung naka-cap ba?" tanong ko at tumango naman siya, "Oo yun nga!"
Agad akong lumapit doon sa lalaking naka-all black. Hindi niya naman siguro paborito ang kulay na yan. Kinalabit ko siya at hindi siya humaharap dahil abala siya sa phone niya.
"Hoy lalaki! Ikaw ba yung gagong nanloko sa kapatid ko? Ikaw ba si Tj Dela Torre?!" sigaw ko at kinwelyuhan siya. Napaisip ako sa sinabi ko. Tj Dela Torre? Parang pamilyar.
"Oo ako nga pero—" sagot ni gago pero hindi niya naituloy kasi tinulak ako ng magaling kong kaibigan. Putang ina ni gaga, tuwang tuwa yata dahil narinig ko ang hagikgik niya.
Traydor!!!
"Woah woah woah." pagkadilat ko nakahawak siya sakin. Hindi naman kami bumagsak sa kalsada pero nakaalalay siya sa bewang ko at nakatingin siya sa mga mata ko. Ano 'to? Ano ba 'tong—
"PUNYETA KATIE, BAKIT MO KO TINULAK?" sigaw ko at tinulak ko ng malakas yung Tj. Humagikgik naman ang gaga at lalo akong nababanas.
"Hoy ikaw!!! 'Wag na 'wag ka ng lalapit sa kapatid ng tropa ko! Sinungaling ka! Manloloko! Dapat sa mga katulad mo pinapatapon! Minahal ka nung kapatid ni Katie tapos gagaguhin mo lang? Bakit ba ganyan kayong mga lalaki—vagshajdbwhshoakdbzoa!" hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil tinakpan niya na yung bibig ko.
"Kailee? Kailee Dela Cruz!!!" sigaw nung lalaki kaya napakakunot noo ko. Bigla niya nalang akong hinila palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"AHHHHH MANYAKIS!" sigaw ko at inupakan siya. Napahawak siya sa panga niya at napadaing pero maya maya pa ay ngumiti siya at hindi na ininda ang sakit.
"Ako 'to si Tj! Yung kababata mo? Naalala mo pa? Pinapaiwan ako ni Mommy sa condo unit niyo? Magkatabi tayo ng unit noon." sabi niya tapos tinitigan ko siya ng matagal. Sino ba siya at bakit hindi ko maalala? Meron ba akong naging kaibigang ganito ka-gwapo noon?
Sinabi ko bang gwapo? Kadiri—pero yun ang totoo.
"At hindi ko niloko yung kapatid niya. Hindi naman talaga kami, pinilit niya lang ako at umiyak sa mall kaya wala kong naggawa."
Shit.
Shit. Shit!
Hindi ako nagulat sa explanation niya. Nagulat ako kasi kababata ko nga siya! Ang bobo mo, Kailee! Siya—siya yung *gulp* EX-crush ko!
Anak ng tupa! Bakit lalo siyang gumwapo? Tangina, nahiya ako bigla dahil mukhang binugbog siya ng puberty sa sobrang gwapo niya at may muscles na din siya!
