FD

6 0 0
                                    

Ala-una ng tanghali, ako ay nagmamadali.

Mayroon akong klase at eto ako natakbo.

Natakbo papunta sa aming silid-aralan.

Late na ako!

At ikinatatakot ko ay baka markahan ako na absent ng aming guro.

MAY PRESENTATION PA NAMAN AKO!

Sa kamamadali ko, di ko na napansin ang mga tao sa aking paligid, nababangga ko na ata iyong mga nakakasalubong ko.

Rush hour pa naman kung tawagin naming mga estudyante ang pagsapit ng ganitong oras. Marami kasi sa mga estudyante ay kung di uwian ay malamang break o vacant.


*boogsh!*

Ugh. Kapag minamalas ka nga naman. Nahulog yung gamit ko. Jusko! Nagmamadali na ko tapos ganito pa.

At sa kamalas-malasan nga naman oh. Friday the 13th yata ngayon. Sa dami ng tao, sa dami ng estudyanteng pauwi o break time o may vacant na pwede kong mabangga sya pa!!!

Sino?

Walang iba kung di ang crush ko! ♥

Ang awkward lang kasi.

Matalik kaming magkaibigan (kung pwede eh MAGKA-IBIGAN na lang sana) noong nasa elementary pa kami.

Nagkalamat lang nung nalaman nyang crush ko sya.

Kung di ba naman binulatlat ng magaling naming kaklase yung likod ng notebook ko eh di sana ayos pa rin ang lahat.

Eh di sana magkasama pa rin kami hanggang ngayon. 

'So close yet so far' tuloy ang peg ko.

Simula noon tuwing nagkakalapit kami. Ang tangi lang naming nasasabi sa isa't isa ay : "Ahh.." "Eh.." "Oh!" "Oo"

Sana nag Abakada na lang din kami. Para a-e-i-o-u  I LOVE YOU!

Mabalik tayo sa realidad.

Nahulog yung gamit ko, di lang yung akin pati na rin pala yung sa kanya. Sa pagmamadali, pinulot ko na lang yung mga gamit na tingin ko ay akin.

Pagkatayo namin eh nagkatitigan na lang kami SHEMS! SPARKS! Sigaw ng malandi kong konsensya.

"Uhh. " May sasabihin yata sya.

At dahil late na ako at hindi ko na talaga gusto itong atmosphere sa aming dalawa ay pinutol ko na kung ano pa ang susunod na sasabihin nya.

"Mauna na 'ko. May presentation pa 'ko. Pasensya na rin."

Dahil sa hiya, tumakbo na ako kahit pa may takong ang sapatos ko at isa pa nagmamadali na din ako.

Ngunit biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang..

"Narsha!"

Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa akin.

Walang iba kundi siya. Mababanaag sa itsura nya ang pagiging alangan at kinakabahan.

Pero wala na akong panahon para doon.
Kailangan ko ng makapasok sa klase ko.

Mas binilisan ko ang takbo kahit kalahati ng isip ko ay wala sa wisyo.

Takbo lang ng takbo.

Ayan na! Natatanaw ko na ang klasrum namin! Sa wakas.

Pagkabukas ko ng pinto.

Nakatuon ang atensyon ng lahat sa akin.

Lalo na ng aming professor.

At puno ng sarkasmo na sinabi nya na
"You're early, early for the next class"

Tumahimik na lang ako at hinahantay matapos ang homily ni Sir habang sine-set up ko pa ang gamit ko para sa presentation.

Ngunit sa kalagitnaan ng pag seset up ko ay binundol ako ng kaba!

Nawawala yata ang powerpoint presentation ko dahil wala sa mga file dito ang may title ng gawa ko.

May isang ppt lang ang nandoon. Kaya clinick ko para ma open.

Laking gulat ko at ng klase ng lumabas sa projector ay ang iba't ibang larawan ko.

Wala akong ganitong mga kuha dahil puro stolen shots ito.

Kasabay noon ay pagkabukas ng pinto na nagpagitla sa aming lahat. Ngunit ang mas nakakagulat ay ang taong nasa pintuan.

Humahangos.

At matiim na nakatitig sa akin.

Walang iba kundi siya.

Wala sa sarili na napatingin ako sa computer.

Partikular sa folder ng flash drive. Unti-unting nag-sink in sa kin lahat.

Pangalan nya ang nakalagay sa flashdrive.

"NARSHA"

Napalingon ako sa kanya.

Ang mga kaklase ko at ang aming professor ay nagtitilian nagsisigawan.

Papalapit sya ng papalapit sa aking pwesto.

Kinuha nya ang aking kamay at inilahat ang isang USB doon. ANG AKING FLASHDRIVE! 

Huli ko na nang ma-realize na lahat nga pala ng estudyante dito sa amin ay iisa ang itsura ng flash drive. Dahil galing ito mismo sa school!

Nagkatinginan kami at wala sa sarili akong nahihiyang napangiti samantalang siya ay nagkakamot ng ulo tila nahihiya sabay hawak sa batok at may ngiti sa labi...

-THE END-

ONE SHOT : FLASH DRIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon