Chapter 3: Save Ava

34 3 2
                                    

Makalipas ang apat na oras na pagpapakilala ng three prof namin pati narin kami. Sa wakas ay break time nadin.

"Tara na Ava" Si Gabbi na nasa pinto na.

"Sandali lang.." Nang matapos ko nang ayusin yung notebook ko ay  sumunod na ako kay Gabbi ngunit biglang nagsalita si Yanlee.

"Pwede bang makisabay mag lunch sa inyo?" Si Yanlee at lumapit sa amin.
"Sure" Sagot sa kanya ni Gabbi.


Wala ba'tong mga kaibigan dito? Bakit pati pag lunch sasabay pa sa amin -,-

"Samahan nyo muna akong ilagay tong notebook ko sa locker." Sabi ko kila Gabbi at naglakad na kami papuntang locker room. Nang matapos konang ilagay ang notebook ko sa locker ay pumunta na kaming canteen.

"May dorm din ba kayong mga boys?" Biglang tanong ni Gabbi.
"Meron din, pero doon sa kabila.."

"Ah..."
Pinakinggan kolang silang mag kwentuhan hanggang sa mapansin ko ang isang babaeng nakatitig sa akin ng masama. Ang mga titig na iyon ay parang nag-aapoy sa sobrang galit. Naalala ko na sya pala ang kapatid ni Yanlee.

Anong problema nun? Kung makatitig parang mang papatay!

"Ava.." Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Gabbi. Nandito na pala kami sa harap ng canteen.

Pumasok na kami at dumaretso sa counter.

"Gaadd!!! Look girls! Si Yanlee!" 
"Owmaaygosshh!! Papa Yanlee! I love youuu!! Huhu Marry me Yanlee!!"
"Gaaad!! But who are those shits?! Owmaygad! Baka agawin nila sa atin si Yanlee!!! Huhuhu"

Tilian ng mga babae ng makapasok kami sa canteen. 

"Anong gusto nyong lunch, sagot kona.." Si Yanlee
"Nako wag na may pera naman kami dito.." Sagot sa kanya ni Gabbi. Hindi kona sila pinansin at naghanap ng table.

Umupo ako sa may dulong table na may apat na upuan.

Dito nalang siguro kami.

Nilabas ko ang phone ko at nag games.

"Hey bitch!"

Natigilan ako ng biglang may mag salita! Kingna nataya tuloy ako! Tumingala ako para makita kung sino iyon?

"Why are you flirting to my brother!?" Si Cidney.
"Hindi ko sya nilalandi. Kusa syang sumasama sa amin." Walang ganang sagot ko.

"Because you are flirt!!! Hindi naman sasama kuya ko saiyo kung hindi nyo nilalandi!"

Tumayo ako at tinitigan sya sa mga mata

"Wow.. Eh ang dami dami ngang malalandi dito, bakit hindi sya sumama doon. Pwede ba tigilan mo'ko. Kung wala kanamang magandang sasabihin, shut up kanalang." Inirapan ko sya at umupo ulit.

Hindi ako pumapatol ng babae. Kaya hanggat nakakapag pigil pa ako, umalis kana..

"How dare you--"

"What's up here?" Natigilan sya ng biglang dumating si Yanlee.

"Ikaw.. Ano bang pinakain sa'yo ng dalawang to!? Why are you associating with them??!"
"May masama ba? Can you please get lost?" Walang ganang sagot sa kanya ni Yanlee.

Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dito sa canteen dahil sa lakas ng boses ni Cidney!

"You're not done with me!" Baling sa akin ni Cidney at umalis na.

"Anong tinitingin tingin nyo!!!?" Sigaw pa nito sa mga estudyanteng nakatingin sa kanya.

Tss.

"Sorry talaga sa kapatid ko. Haay.. Masyado kasing spoiled yun kaya ganun yun." Si Yanlee.

"Sanay na nga kami sa ganyan" Sagot ko at umupo ulit.
"Oh sya sya kumain na tayo. Salamat nga pala sa libre mo ah!" Baling ni Gabbi kay Yanlee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Girlfriend (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon