Chapter 1: The bad girl

47 3 1
                                    

"Ano boy ready ka naba?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Gabbi. Hanggang ngayon banaman tinatawag nya parin akong 'boy'!
"Ano Gab, ilang beses kobang uulitin sayo na wag mo na akong tatawaging 'boy'! Hindi na ako tulad ng dati okay?!" Sabat ko habang nilalagay sa kotse ang kahon-kahong mga gamit namin, para mailipat sa bago naming titirahan. Ang dorm ng unbersidad ng Villamore.
"Sorry na, osige girl nalang itatawag ko sayo."
"Pwede ba Gab, wag ngayon okay? Marami pa tayong dapat gawin, kesa mag-isip ng kung ano ba dapat ang bagay na itawag sakin. Ipagpasabukas mo na munayan. Kuhain mo na yung isang maleta don, maleta muyon, para makaalis na tayo." 
"Eto na nga po eh.." Nagkukunwaring batang sabi nya.

Si Gabbi ay matalik kong kaibigan wala na syang magulang kaya pinayagan sya ng mga magulang ko na tumira don sa tinitirhan kong appartment. May mga kamag-anak naman sya pero pinag mamalupitan sya ng mga ito.

Nang makuha na ni Gabbi ang maleta nya, ay inilagay nya na ito sa compartment ng kotse at umalis na kami.

"Ava, sa tingin mo may multo doon sa dorm natin?" Biglang tanong ni Gabbi.


Ano nanaman ang nasa isip nitong bruha na'to?

"Aba malay ko? Siguro magkakaroon palang.." Pananakot ko sa kanya.
"Hala! Kasi naman eh! Bakit naman magkakaroon palang?" Nagkukunwari nanamang batang tanong nya.
"Kasi pag pumunta tayo doon. Matatakot mga tao don kasi matatakot sila sayo. Ikaw nga yung multo eh!" Pagbibiro ko sakanya.
"Grabe ka naman!" 
"Wag kangang paranoid okay! Walang multo don. Dapat nga multo pa matakot sayo eh!"
"Ewan ko sayo TIBO!" 

Ano daw? TIBO!!????

"Pakyu ka! ulol diba sabi ko sayo hindi na ako gaya ng dati! Ang kulit mong anak!" Sigaw ko sa kanya.
"Kung ako multo, ikaw naman TIBO!" Paguulit nito!
"Bussshhheeet ka!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi nya na ako sinagot at maya maya pa ay nandito na kami sa Villamore University.

Pinark ko na yung kotse sa parking lot at binuksan ang compartment.

"Gab, kuhain mo nga pala yung receipt doon sa loob ng kotse nalimutan ko kasi eh, Nandun lang yun sa ibabaw." Utos ko kay Gabbi. Binigay kona sa kanya ang susi at agad nya naman itong binuksan.
"Anoo?!! Sa fourth floor pa natin dadalhin ang mga yan!!?" Sigaw nya ng mabasa ang check in room namin habang tinuturo ang mga bagahe.
"Magtiis nalang tayo maganda naman yung dorm eh, worth it parin." sagot ko sakanya.

"Aaaaaiiisssshhh!" Nakangusong sigaw nito.
"Hahahah, wag kangang maarti jan hindi bagay sayo. Kuhain mona yung isang kahon para mabilis na tayong matapos." Utos ko sa kanya. Kinuha na nya ang isang kahon at pumasok na kami sa loo

"Maganda din pala dito noh?" Si Gabbi na inililibot ang paningin sa kabuuan ng eskwelahan.
"Oo nga eh.. Ang ganda nga din ng tuition eh." Sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Hahahah" Tawa naming dalawa.

"Welcome Ma'am" Bati samin nung babaeng sec. ng tuluyan naming matunton ang dorm for girls, nginitian lang namin ang sec. bilang pagbati.
Maganda din itong building ng mga babae hindi katulad sa dati naming dorm ni Gabbi, Maganda at maayos ang pagkakagawa dito. Napakaganda nang pagkaka disenyo ng loob, pagpasok mo palang makikita mo na agad ang repleksyon mo dahil may malaking salamin dito. Sa kaliwa naman makikita mo ang waiting area na sobrang gara sa pag kakaayos at sa kanan naman ang mga nag checheckin kung saang room available at..
"May elevator! Ayos toh, hindi na tayo mahihirapang magdala nito!" Si Gabbi, na nililibot din ang paningin sa kabuuan.
"Oo nga eh.. tara na don tayo sa check in.."

Habang nag lalakad kami ni Gabbi, bigla nalang ako may naka bangga na babae dahilan para mabitawan ko ang hawak kong kahon.

"Owmaygawd!! You bastard! look what you have done to my addidas shirt! Do you know how much is this?" Maarting sigaw nito mismo sa mukha ko dahilan paa mapaatras ako ng unti.
"Sorry miss hindi ko sinasadya.."
"Hoy ate! Wag mo nga kaming ma english-english jan! Hindi naman sinasadya ng kaibigan ko eh! Ang OA mo maka react!" Sigaw ni Gabbi at lalong nainis ang mukha nung babae.

Bushet talaga tong Gabbi na'to pinatulan pa!

"Gabbi, wag mo nang pansinin." Bulong ko kay Gabbi.
"Wag pansinin! eh hindi monaman sinasadya kung makapag react!" Si Gabbi.

"Shut up! You're too loud! Hindi kayo nababagay sa school na'to! I can't believe that there's a trash in my 'school'" Pagdidiin nya mismo sa mga mukha namin!

Nako kung hindi lang ako baguhan dito, sinapak nakita! 

Binangga nya muna kaming dalawa bago umalis!

"Ang panget mo!" Sigaw ni Gabbi.
"Tara na.. hindi na dapat ang pinapansin ang mga aso, lalo lang tatahol." Walang ganang sagot ko, pero gusto ko na talagang sapakin yung babae. Pasalamat talaga sya baguhan ako dito at kahit papano may galang ako sa mga babae. Pagtapos nun ay pumunta na kami sa check in line.

"Miss this is our room number 406" Sabi ko sa babae at binigay sa kanya yung receipt.

"Okay ma'am, this is your key."
"Thanks."Pormal na sagot ko at Inabot nya na sa akin ang susi ng kwarto namin at pumunta na kami sa elevator.

TLING!

Bumukas na ang elevator at pumasok na kami.
"What floor miss?" Tanong nung elevator girl.
"Fourth floor miss, thanks." Pormal na sagot ko.

TLING!

Bumakas na ang elevator at hinanap nanamin ang room number namin.
Room 401, room 402, room 403, room404, room405.. at ito na 'ROOM 406'

"Nandito na tayo." Masayang sabi ni Gabbi.
"Wag kang magsaya, marami pa tayong bubuhatin haha." Pagbibiro ko sa kanya.

Binuksan nanamin ang pinto at..

"Wow.." Hindi makapaniwalang usal namin nang makita namin ang loob ng kwarto.

Sobrang ganda, hindi talaga ito tulad ng dati naming kwarto ni Gabbi. Sobrang laki nito at kumpleto sa gamit. Pagpasok mo palang ay bubungad na agad sayo ang napaka gandang sala set ang gara ng pagkakaayos dito. at may isa pang kwarto, siguro doon nakalagay ang kama namin ni Gabbi. At ang kusinang kumpleto sa gamit.. may gas stove,plates. 

ANG GANDA TALAGA! Mapapanganga ka sa sobrang ganda.

"Ava.. eto naba yung sinasabi nilang heaven?!" Si Gabbi na hindi padin makapaniwala sa nakikita nya.

-,-

Hindi ko sya sinagot at pumasok na ako ng tuluyan sa loob at inilagay sa tabi ang kahon na dala namin.


Continue..


For more info. visit me :)
Facebook: https://www.facebook.com/Queenbii-Stories-1728418510750555/
Instagram: https://www.instagram.com/queenbiiii

Twitter: https://twitter.com/Queenbiiiiii_

Tumblr: https://www.tumblr.com/blog/queenbiii


-Queen❤

Dear Girlfriend (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon