Xian's Pov
Andito na ako ngayon sa bahay, Pinagiisipan ko kung itetext ko o hindi si jannah! Medyo kinakabahan kasi ako.
"Ano kuya xian itetext mo ba?" sabi sakin ni gerald
"hindi ko pa alam gerard eh, Kinakabahan ako"
"Text mo na kuya, sabihin mo muna hi"
"Sge sge"
Dali dali kong kinuha yung phone ko sa kwarto pagkatapos ako mapilit ni gerald.
"Kuya itext mo na" Pagmamadali ni gerard
"Aba teka naman. Namamadali? may lakad ka? may date ka ba?mas namamadali ka pa sakin eh" Pagrereklamo ko
"Ayy! Sorry naman, Sige na" Pagsosorry nya
Binuksan ko ang phone ko at tinext agad sya
Hi :)
Yan ang una kong tinext sa kanya, Magrereply kaya sya? Sa tingin nyo? Baka snobin lang ako nun?
---
Jannah's Pov.
Andito parin ako sa bahay ng tita ko, mas masarap tumambay dito kasi nakaaircon at may wifi,hahaha! Gamit ko ang ipad ni tita ng biglang nagvibrate ang phone ko. Sino naman kaya tong nagtext? Wala naman akong inaasahan na text ngayon, Baka naman gm lang ng mga kaibigan ko.
Unknown number
Hi :)Hala sino to?
Ahm! Hello, Sino po kayo? San nyo po nakuha number ko?
Pagkareply ko tinabi ko na ulit ang phone ko baka hindi na yun magreply baka nanti-trip lang. Marami pa namang ganung tao hirap mantrip naku! basagin ko mga mukha nun eh.
Habang nanonood ako ng video ng mga 3D Cake. nagvibrate nanaman ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext, yung unknown number nanaman.
unknown number
Xian Drei Luna po. Ako po yung sakristan kanina. Nakuha ko po yung number nyo sa kapwa ko sakristan.Pageexplain nya, Infairness. Hindi sya jejemon. Masaya din sya katext hindi matipid hahaha.
Ahh! Bat nyo po kinuha number ko? May kasalanan mo pa ba ako? hahaha!
Grabe ha, Feeling close agad ako sa kanya. Para kasing ang gaan ng loob ko nung nakatext ko sya.
Wala pang 1 minuto nakapagreply agad sya, Wala ba tong ginagawa bilis nya magreply ha.
Gusto ko po kasi kayo maging kaibigan. Wala po kayong nagawang kasalanan ate hahaha!
Yan ang reply nya, Maka ate ha.
Maka-ATE naman, 15 palang ako. Anyway, Kaibigan ba kamo? No problem. Sge friend na kita ngayon.
Hahaha! Mukhang hindi ako naboboring ngayon ha, nakakaenjoy sya katext.
Talagang capslock ha, Nga pala kelan birthday mo? :)
Tanong agad ha, Gusto talaga ako neto makaclose.
June 04, Ikaw?
Reply ko sa kanya
June 04? Parehas pala tayo ng birthday eh. Coincidence.
Nagulat ako sa reply nya, hahaha! Ang galing parehas kami.
Ayy ang galing, Sige mamaya na lang ulit tayo magtext inaantok ako eh, medyo maaga tayo nagising kanina. Borlog muna tayo.
reply ko sa kanya kasi inaantok talaga ako.
Anong borlog?
Pagtatanong nya hahaha! di nga pala uso yung word na yun.
Borlog means tulog hahaha! Sige mamaya na lang
Pagkasend ko nyan ay hindi na sya nagreply, Natulog na lang ako kasi sobrang inaantok ako.

BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong sakristan
General FictionNakaranas ka na ba magkaboyfriend na sakristan? Naiintindihan mo ba kung minsan busy sila kay god. Yung tipong pag mahal na araw halos di ka nya matext. Kung nagka boyfriend ka na ng sakristan basahin mo to panigurado, makakarelate ka. VOTE.COMMENT...