(4) Stalker

43 1 1
                                    

Xian's Pov.

Nage-fb ako ngayon, Hinahanap ko yung fb ni jannah! hindi naman sya famous sapat lang yung likes ng mga picture nya, Hindi naman lumalampas ng 120, pinakamataas na ata ay 115, Okay na rin yun para kung sakaling maging kami ay wala akong masyadong kaagaw pero asa naman maging kami nun. Ang ganda nya talaga kaya lalo akong naiinlove sa kanya eh, hindi lang sa mukha maganda pati ugali.

1 araw na ang nakakalipas halos araw araw na kaming nagtetext, Para ngang minu-minuto eh, Dinaig pa namin ang magdyowa sa pagtetext hahaha! Ang sarap lang isipin na parang kami.

Nagvibrate ang phone ko, nagtext na pala si jannah my loves.

Xian, Tapos na ako maggawa ng assignment, Pwede na tayo magtext.

Sa wakas nagtext din, Namiss ko to eh.

Buti naman, Namiss kita jannah eh.

Hala bat ko sinabi yon.

Ahh! Anong ginagawa mo?

Ahh lang sagot nya, Hindi man lang ako sabihan na "namiss din kita" wala talaga akong pagasa dito

Eto iniisip ka.

Ano kayang irereply nya?

Naks! Cheesy mo? Crush mo ba ako ha?

Pagtatanong nya.

Ha? Ikaw crush ko? Hindi ah.

Pagtatanggi ko, Ang baliw ko din no? Bat ko tinanggi yon?

Kala ko crush mo ko eh, Ang cheesy mo kasi

Hindi kasi kita crush jannah, Mahal kita.

Ahh! Kala mo lang yun, Hindi kita crush no? Ano kita.

Pambibitin ko sa kanya.

Ano mo ko?

Pagtatanong nya.

NEVERMIND

pagtatanggi ko nanaman, Ang hilig ko magtanggi ngayong araw. naku! ang panget kasi tignan kung sasabihin ko agad na mahal ko sya, baka sabihin nya naman masyado akong mabilis, pero maghihintay talaga ako sa kanya.

Daya neto nambibitin, kotosan kita dyan eh.

Ang brutal nya guys no?

Gangster ka ba? hahaha! Ang liit mong tao, gangster ka

Pang aasar ko.

Nye nye nye

Reply nya. hahaha! ang saya pala asarin neto nagiging isip bata. Ang cute :)

Jannah, Paabor ako ng panyo

Papayag kaya sya?

Ahh! Osige anong kulay ba?

Yes! Pumayag syang umarbor ako, Anong color ba?

Color green jannah, Meron ka?

Reply ko sa kanya. Favorite color ko kasi ang green

Ayy! sorry xian wala na akong green eh, Ang nandito na lang ay pink, violet at blue.

Reply sakin ni Jannah my loves <3 (maka my loves ha)

Pink na lang jannah okay na sakin yun

Hindi porket pink ang pinili ko, bakla ako ha! LALAKI AKO LALAKI AKO.

Osige, Pano ko ibibigay sayo to at kelan?

Pagtatanong ng love ko <3

Bukas abot mo sakin, alam mo naman bahay namin diba? hintayin kita sa may gate.

Reply ko.

Osige bukas ibibigay ko, Tulog na ako inaantok na kasi ako.

Sabi ni jannah.

Osige. Goodnight~

Ang boyfriend kong sakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon