26 // MyuSick and Lily

187K 3.4K 2.7K
                                    

"Each day is a new beginning. You can start fresh, anticipating what today will bring. Or you can just settle for yesterday's doubts, fears, or worries. Which road will you take? Do you take the path to the clear present or the the shadows of the past?"
— Eve Evangelista

~ ~ ~

Hinalikan muli ni Mr. Quiano si Ces at pinuntirya ang leeg ng dalaga. Sisirain na sana nito ang damit ng dalaga nang may marinig silang kumatok at bumukas na pintuan.

“SINO YAN!?” pasigaw na tanong ni Mr. Quiano habang nakatitig kay Ces. Tulo nang tulo ang luha sa mga mata ni Ces.

“Uh—sir,” nanlaki ang mga mata ni Ces, boses iyon ni Note. “May ipapasa lang po akong papel kay M—”

Nakita ni Ces ang naaasar na mukha ni Mr. Quiano. Napangiwi siya sa mahigpit na paghawak nito sa kanya, “pakibilisan ah, busy ako!”

“O. . kay?”

Nakarinig si Ces ng pagsasara ng pintuan ngunit wala pang ilang segundo, nagbukas muli ito.

“Ah—hmm!” tinakpan ni Mr. Quiano ang bibig ng dalaga gamit ang kanang kamay.

“Ano na naman ba?!”

Hindi na masyadong nakinig si Ces—basta ang alam niya ay nasasaktan siya sa pinag gagawa ng propesor. Sa pag untog sa kanya at nararamdaman na rin niya ang sobrang sakit ng katawan niya.

“Ah sir, kasi—”

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang may makita siyang sapatos na naglakad sa likuran ng pintuan ng file room. Iniangat niya ang kanyang mga mata at nakita ang pamilyar na mukha ni Note. Nakatingin ang binata sa kanya, nakakunot ang noo at tila ba gustong tignan si Mr. Quiano ngunit natatakpan ng pintuan.

Ililigtas niya ako?

 

“Sir, nasaan po kayo? Pwede ba kay—” nagtaka naman si Ces dahil naririnig din niya ang boses ni Melo na nasa may lobby.

Nandito silang dalawa?

 

Tumayo si Mr. Quiano sa sobrang inis. Tinignan niya si Ces nang masama, “D'yan ka lang,” bulong nito. “Putangina ka kapag umalis ka d'yan.”

Inilayo ni Ces ang kanyang paningin sa propesor at ibinalik kay Note na nag aabang sa likuran ng pintuan. Tumayo si Mr. Quiano at bago pa siya makalapit sa pintuan, bigla na lang nagbukas ang pintuan ng file room.

“Uy teka!” sigaw ni Note.

“Hayop ka!”

Muntikan nang sumubsob si Note dahil hindi niya inaasahan na biglang itutulak pabukas ng kasama niya ang pintuan. Agad naman tumama ang kamao ni Lyric sa sobrang tigas na pagmumukha ng propesor.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon