48 // Synesthesia Sensation

157K 3.2K 2K
                                    

"Maybe there's something you're afraid to say, or someone you're afraid to love, or somewhere you're afraid to go. It's gonna hurt. It's gonna hurt because it matters."
— John Green

~ ~ ~

Ces versus death.

Hindi na mahalaga kung anong klaseng ‘death’ ang kinakalaban ni Ces. One way or another, it’s still death. Kamatayan. Maging maliit na bata man ang itsura nito, may mapula mang mga mata, lumulutang man o nakasayad sa lupa ang paa—it’s still death. Kahit saan siya magpunta, kahit saan siya magtago—kahit gaano niya itanggi ang lahat. . . nilalapitan pa rin siya nito.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa set noon. Nakakabingi ang mga sigawan ng mga tao. Hindi magkandaugaga ang lahat. Ces was expecting to be crashed. . . kahit ayaw niya, tanggap niya. Nagkamali siya. Hindi niya sinasadya. Siguro tama nga na walang emosyon ang mga kamatayan—ang gusto lang naman nila ay kaluluwa—they won’t be a nice guy for her. No. Never. After all, hindi naman nagpakitang mababait nga ang Kamatayan sa kanya. They’re just fair. . . ata? Fair nga bang maitatawag ito kung gusto na kaagad kuhanin ng kamatayan ang buhay niya?

But then, bago pa maramdaman ni Ces ang napaka init na ilaw para pumaso at malaglag sa kanya ay nakarinig siya ng napaka lakas na ingay mula sa kanan. Hindi pa rin siya dumidilat ngunit napaupo siya sa stage, nanginginig, natatakot. Maraming nagsigawan—rinig na rinig niya ang mga boses ng mga kabanda hanggang sa lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya.

“Ces, okay ka lang?!”

Pagdilat ni Ces, una niyang nakita ang mata ni Note na sobrang nag-aalala sa kanya. Doon lang niya naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya sumagot bagkus, tumingin siya sa taas—wala na si Boss. Pagtingin niya sa kanan, doon niya nakita ang pagbagsak ng lightings—wasak na wasak. Imagining herself under those lightings scared her to death.

Nabaling ang tingin ni Ces sa lalaking nakatayo hindi man sobrang lapit ngunit may distansya sa kanya—halatang natigilan at nagulat sa lahat. Kita rin niya ang bilis ng paghinga ng binata. Nag-alala si Lyric ngunit hindi niya nagampanan ang pagiging 'life saver'. Napuno ng tao sa paligid ni Ces habang pinapaupo siya. . . nakatulala. Hindi masyadong nagsisink in ang lahat sa kanya habang salita nang salita ang mga tao sa paligid. Sa mga pangaral ni Manager Lily sa kanya, ang mga sinasabi ni Erich na nahimatay pa sandali sa braso ni Lyric.

Second time. It’s the second time na muntikan na siyang bawian ng buhay. Ano bang trip ng kamatayan? Warning ba ito? But for what?! She’s not inlove, for pete’s sake. She’s just. . . scared. Oo tama. Takot siyang may gawing kagagahan si Erich sa kabanda niya. . . sa kaibigan niya. . . kay Lyric.

Nagpasalamat si Ces sa crew na humila ng isang tali para mabago ang direksyon ng lightings. Nagpasalamat ang buong banda kay Direk J. Humingi ng paumanhin ang buong produksyon. All was well. Hindi na rin inungkat ang lahat. It’s an accident. Hindi naman nila inaakalang masisira ang cord kaya bumagsak ang lightings. It’s no one’s fault. Well, except for Ces dahil binabagabag siya ng pangyayaring iyon.

Pagkauwi ay hindi mawala ang tingin ni Ces sa kisame. Hindi niya mapatigil ang bilis ng tibok ng puso dahil sa nangyari. It’s terrifying. Kung dati-rati, handang handa na siya. Ngayon, kahit masugatan ay hindi niya maisip mangyari sa kanya. Not now that she’s happy. Not now na kasama na niya ang pamilya niyang hindi niya kadugo. Ayaw niyang mawala sa piling ng MyuSick. Kahit makukulit, magugulo at masusungit ang mga ito paminsan-minsan—kahit nakakatakot si Manager Lily, hindi niya kayang mawalay sa mga iyon.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon