Macaria! Macaria! Macaria!!
Never in my whole life na magsasawa ako sa magandang boses ni mama lalo na tuwing umaga. ^^
Pwera na lang talaga yung pagtawag nia sakin sa buo kong pangalan! :/
Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakahiga at dali dali kong sinuot ang ternong pajamas ko. I opened the door and I saw my Mom frowning.
"Macaria, tanghali na. We're waiting for you kanina pa." Bungad ni mama sakin.
"Ah sorry po ma, napagod po kasi ako kahapon sa training ng team namin." Sagot kong nakangiti sa kanya.
"Alright. Magpalit kana at bumaba ka na agad." Sabi nia at tumalikod na.
Pagkaalis ni mama ay nagbihis na ko. Pumili ako ng simpleng high waist short, at isang white tank tops bilang pambahay. Saturday naman ngayon, wala akong pasok at wala ring lakad. Hindi rin naman nag set ang circle of friends ko ng hangout. Nag toothbrush na rin ako at naghilamos ng mabilis.
Habang pababa ako ng hagdan, naririnig ko na ang mahinang kwentuhan at tawanan sa dining room namin. Nanibago ako dahil kadalasan ay tahimik ang komedor ng bahay pag bumababa ako para kumain. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi lang sina mama at papa ang naroroon.
Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa komedor ay nakita ko na ang hindi pamilyar na bulto ng isang babae na nakatalikod sakin.
Siguro ay matangkad lang ako sa kanya ng 2" sa height kong 5'9. Mas maputi sakin pero hindi naman sya mestiza. Naka french tail ang buhok na may ilang hibla ang nalalaglag mula sa pagkakatali. Slim ang katawan nia na parang pag niyapos mo e mararamdaman mo agad ang kanyang mga buto.
"Oh Macaria, tena at kumain na". Aya sakin ng pogi kong papa pagkakita sakin na nakatayo lang sa entrance ng dining. Wala akong idea kung sino ang babaeng ito na kasalo nina mama at papa, gusto kong makita na agad ang kanyang mukha.
"Goodmorning everyone! Hmmmm. Ang bango ng sinangag. Nakakagutom." Sabi ko na lang habang umuupo sa pwesto ko na kaharap ng upuan ng aming bisita. Pagkaupo ko ay napagmasdan ko agad ang kanyang mukha. Bagay na bagay ang mukha nia sa katawan nia. Matangos na ilong, malalantik na pilik mata at makipot at natural na pulang mga labi na para bang kaysarap hali.. Sya?! Yung transfer student sa university. Yung head turner ngayon ng mga kalalakihan sa school, yung crush ko!
"Macaria! Wuy anak. Kanina pa kita tinatanong jan." Pukaw sakin ni Mama.
"Ah eh ano po un Mama?" Napahiyang tanong ko. ^^
"As I was asking, magkakilala ba kayo nitong si Ashanti? Sa pagkakatingin mo kasi sa kanya e mukang kilala mo sya." Tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
Sisters, Lovers (ON-GOING)
RomanceMaki is a girl that every boys in the town could wish for. Maganda. Mabait. Jolly. Matalino. Sporty. At higit sa lahat, sexy. Pero hindi niya tipo ang lalaki. She's fond with the girls too. She's a boy in a heart. Iilan lang ang nakakaalam ng kany...
