Chapter III

29 3 0
                                    

Chapter III:

Isang linggo na ang lumipas, malapit na ang school fair, mga iba't ibang kompetisyon na naman ang mangyayari. Malapit na... malapit na kaming magharap, isang linggo na ang lumipas after nung araw na yun.

Ã-Flash BackÃ-

"OO KEI PINEDA! HINAHAMON KITA!", ramdam ko na nakatutok samin ang buong atensyon ng mga tao dun sa canteen.

"Heh. Tingin mo ba kaya mo kong talunin?", sagot nya habang nakangiti na naman sya na nakakaasar.

Lumunok ako at huminga ng malalim.

"OO! MATATALO KITA! MAKIKITA MO!"

"Hindi ako interesado."

"A-ano?"

"Hindi ako pumapatol sa mga nerd. I don't need to prove myself to you. I'm waaaay BETTER than you, nerd."

Ang yabang! o>_<o~

"Sabihin mo matatakot ka lang!!!"

"Hah! Me? Scared? Are you kidding? Haha. Well, sige. Challenge accepted. Kung yan lang ang makakapagpagising sa nananaginip mong utak."

"Mayabang! Makikita mo!"

Tinignan niya ko then umalis na din siya.

Ã-End of FlashbackÃ-

Pagpasok ko sa school ay sinalubong ako ni Joanne.

"Uy besh! Nakita mo na ba 'to?", tanong nya sabay abot sakin ng flyer.

"A-ano 'to???!!!!", laking gulat ko ng makita ko ang stolen picture namin ni Kei nung hamunin ko siya dun sa may canteen.

"Battle of the Best. Ms. Campus President VS The so known Newbie. Ngayon lang nila yan kinalat since malapit na rin ang school fair natin. Super trending yan sa buong campus, kahit san magpunta ay pinaguusapan nila yung panghahamon mo besh!"

Tulala pa din ako. Hindi ako makapaniwala. Ang mapag-usapan ng ganito sa campus ang pinakaiiwasan ko dahil nakakasira sakin.

"Natatakot ka na ba?", sabi ng pamilyar na boses.

"K-Kei??!"

"So? Aatras ka na ba?"

Ã-CLICK!Ã-

May kumuha ng picture. Gusto kong bawalin yung kumuha ng picture pero 'di ko pa rin maalis ang titig ko Kei.

"Mukhang natatakot ka na."

"A-ano??!! Hindi no!"

"Hah." Umalis na ulit siya.

"Haba talaga ng hair ni besh! Bagong topic na magte-trend na naman!"

"Tumigil ka nga! Tara na baka ma-late pa tayo."

"Ok. Ok."

Kei's POV:

"A-ano??!! Hindi no!!", sigaw nung nerd. Talaga naman. Lagi na lang sumisigaw, ang sakit sa tenga.

"Hah." Umalis na ako at baka pag-usapan pa ako ulit ng mga tao. Gusto kong kunin yuna camera nung kumuha ng picture samin pero 'di ko naman nakita kung sino. Tsk. Kahit kailan talaga puro kamalasan ang dumadating sakin pag nandyan yung nerd na yun.

Pumasok na ako after nun. Maya-maya pa ay pumasok na din siya, dire-diretso siyang umupo.

Dumating na yung prof. namin, buti naman at nabo-bored na din ako. Nagsimula ng magturo yung prof., napag-aralan ko na kaya naman mas lalo akong nabagot, natulog na lang ako dahil wala namang pinag-iba. <(_ _)>

Dianne's POV:

Nababagot ako sa mga tinuturo ng teacher, pero kailangan kong mag-aral! Kailangan kong ilampaso yung SB na yun! Tumingin ako sa likod para tignan si SB. Natutulog? Bakit siya natutulog? Mukhang di nya sineseryoso ang laban namin! O, minamaliit nya lang ako?! Asar talaga!

"E-ehem! Ms. Dianne pwede mo bang sagutin ang problem number one?"

"Ah-huh? Uhm.. hindi ko po alam a6g sagot.",sagot ko habang nakayuko sa sobrang kahihiyan.

Tumawa ang buong klase. Asar! Feeling ko mas ok pa na lamunin na ko ng lupa! Ano bang nangyayari sakin??!!

"Quiet class! Take your seat Ms. Dianne and next time, pay attention."

"Yes ma'am."

"How 'bout you Mr. Pineda?"

Napatingin ako kay Kei. Gising na sya. Hah. Tignan lang natin kung makasagot siya.

Bigla akong napanganga. Nakasagot siya! Paano??!

"Very Good Mr. Pineda. You may take your seat."

Nakanganga pa din ako. Hindi ako makapaniwala.

"You don't want to let flies enter your mouth, do you?"

Bigla kong naisara ang bibig ko.

"Che!" Nakita kong tumawa siya ng mahina. Asar talaga 'tong SB na 'to! Yabang! o>_<o~ 

"Ok class! Ito na ang listahan ng mga competitions na pwede nyong salihan."

Napatingin ako sa board. 10 competitions. 2 kada araw at yung matitirang oras ay puro kasiyahan.

"Good Luck sa inyo sa next week. Ang week na 'to ay gagamitin para ihanda ang fair kaya makakaghanda din kayo para sa fair. Sa mga interesadong sumali, pumunta lang kayo sa registration booth bukas. That's all for today."

Nag-dismiss na ng klase. Eto na yun. Malapit na. Malapit na kaming magharap. Tatalunin ko sya! Tatalunin ko ang napakayabang na si Kei Pineda!

Love in RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon