Chapter 9: Brylle's Plan

74 4 0
                                    

Sunshine POV

Hinahalikan pa din nya ako habang nakahiga ako at siya naman ay nakapatong sa akin..

Kung san man hahantong to ay handa akong ialay sa kanya ang lahat pati kaluluwa ko mapasaya ko lang siya, ayokong nakikita siyang nahihirapan..ayokong makitang nasasaktan ang lalaking pinakamamahal ko ng sobra, sana totoong mahal niya din ako..

Pinutol ko muna ang halikan namin ng may naramdaman akong tumulo sa bandang pisngi ko kaya agad ko itong pinahid at nakita ko ang kanyang dugo..

"Brylle sandali gagamutin muna kita!"sabi ko at tinutulak sya para bumangon ang bigat nya ah pero di pa din sya tumatayo nakasiksik ang mukha nya sa leeg ko

"Sun, ugali mo bang mambitin? Andun na sana eh! Malapit na"maktol nya sabay bangon

"Gamutin muna natin ang sugat mo baka ma infection!"paliwanag ko ano bang akala niya sya lang ang bitin?

"Sige na nga Oh!! Basta continue tayo mamya ah!"sabi nya sabay lahad sa kamay nito para siyang bata pero nah! Handa na ba talaga akong ibigay ang pinakaiingatan ko sa lalaking may girlfriend

"Oo na! Basta behave ka lang habang ginagamot kita!"sabi ko at tumango naman siya

Habang ginagamot ko siya napakaseryoso niyang nagmamasid sa akin hindi ako sanay

"May problema ka ba?? Baka gusto mong sabihin sa akin"sabi ko sa kanya nang bigla siyang lumapit sa akin at bumulong

"malaki nga ang problema ko dahil sayo!"bulong niya

"Huh!? Bakit ako? Anong kasalanan ko at kailangan mong saktan ang sarili mo nang ganyan?"nagtataka kong tanong sa kanya

lumapit uli sya at bumulong

"I want you to be with me forever kaya gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang!" sabi niya kaya nakaramdam ako ng galak

"Mahal mo ba talaga ako!?"tanong ko

"Mahal na mahal!"sabi nya at bigla akong hinalikan pero smack lang sa lips

"Uhm P-paano si maam michelle di ba girlfriend mo sya!!?"tanong ko takot akong makita ang reaksyon nya kaya binaba ko na lang ang tingin ko sa sugat nya

"Actually fiance ko sya!"sabi nya kaya gulat akong napatingin sa kanya

"Fiance?? Malapit na pala kayong magpakasal pero bat mo to ginagawa sa akin? Pinaglalaruan mo ba ako?"galit kong bulyaw sa kanya at tumayo para umalis sana kaso hinablot nya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandong nya

"Please listen to me first!"pagmamakaawa niya

naghintay lang ako sa sasabihin nya

"She is my besfriend pero dahil magkaibigan ang parents namin at isa ang parents nya sa may ari ng malaking company sa mundo pinagkasundo nila kami pero i dont love her"mahaba niyang salaysay

"eh siya paano kung mahal ka niya? May karapatan siyang magalit sayo!!"sabi kong nag aalala

"I dont care, kesa ipagpilitan ko ang sarili ko sa babaeng di ko gusto"sabi niya kaya lumakas ang loob ko

"Sige na magpalit kana basang basa ka baka magkasakit ka niyan!"sabi ko at tumayo

"Parang may sakit na nga ako eh, ikaw na nga ang maghubad sa akin!"pagdadarama niya

"Uhh? Ayoko nga!"tanggi ko

"Pasyente mo ako tapos di mo ako magawan ng favor? At kung hindi dahil sayo di ko sasaktan ang sarili ko!"sabi niya

"Bakit inutusan ba kitang saktan mo ang sarili mo??"sabi ko din nakakainis to alam ba niyang ayoko siyang nasasaktan dahil doble ang epekto nito sa akin

Series 1: My Revenge or Love for her? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon