Chapter 4: Her Dad..

59 4 0
                                    

Brylle's POV

Huh! Ang sakit ng ulo ko ramdam ko nang bigla akong bumangon, wait! Where is this place? Nasan ako? Sabay libot ng paningin ko...
Yari sa kahoy ang bahay na to...parang may naaalala ako, Oo nga pala naglasing ako kagabi...

Flashback:

"Sir sino po ang pwede natin makontak?"paulit ulit na tanong ng bartender sa Bar
"uhhhmn! I want to shee my shecretary right now! Hahaha I want to punish her!" parang sira kong sigaw kahit hilong hilo na ako
"Can i borrow your phone sir?para matawagan namin"tanong niya kaya binigay ko na agad
hindi ko na narinig ang pinag usapan nila dahil tuluyan na akong nawalan ng malay

End of Flashback:

So, bahay nila to? Paano siya nakakatagal sa ganitong Lugar?
Napatingin ako sa side table ng kama may picture frame dun naglalarawan ito ng masayang pamilya kompleto sila masayang masaya...Pero bakit kami hindi?? Alam ba ng mga anak nya na may mistress ang tatay nila? At ang masaklap dun si mommy pa..kawawa sila pag nalaman nilang niloloko sila ng tatay nila..

Binitiwan ko agad ng may marinig akong paparating at agad akong umupo sa edge na kama
" Oh! Gising ka na pala sir"gulat niyang tanong pagkapasok niya
"yeah, thanks for helping me"pasasalamat ko
"wala po yun sir, tara po kain na tayo sa baba at nang makahigop kayo ng kape pampaalis ng hang over yun!"pang aaya nya
"Ganyan ka ba manamit pag nasa bahay ka lang?"tanong ko habang nakatingin sa short short niyang suot

Napatingin sya sa suot nya "Opo kasi mas comfortable ako sa mga gawaing bahay pag nakashorts lang ako"sabi niya pang nakangiti
"pero...uhh stop calling me Sir or Boss pag tayong dalawa lang"sabi ko na lang naasar ako sa suot niya paano kung Bastusin sya ng mga bisita niyang lalaki?
"Lets Go!"sabi niya sabay hila sa kamay ko
Ayoko sana kaso no choice na ako..napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko
Parang ang gaan sa pakiramdam..

Naabutan namin sa dining area nila na di kalakihan ang 6 niyang kapatid? Siya ba ang panganay? Tanong ko sa sarili ko
"Kain na po tayo sir!" aya nung maliit at matabang bata
"Sige kumain na tayo!"sabi ko nang wala akong makitang space binuhat ko na lang yung matabang bata at kinandong, ang cute niya at napakabibo
"Okay lang po ba? Mabigat yan"tanong ni sunshine habang kandong niya yung batang babae
"walang 'po' please halos magkaedad lang tayo and dont worry im okay!"sabi ko na kinangiwi nya kaya natawa ako siya naman ay napasimagot
"Ang cute mo!"sabi ko kaya nagsigawan ang mga bata
"Ate cute ka daw oh, sa wakas magkakaboyfriend ka na!"sabi nung isa sa mga kapatid nya...Hindi pa ba siya nagkakaboyfriend?
"Paul, hindi sukatan ang sabihan ka ng cute para maging kayo atsaka malabo yun Boss ko sya, mayaman siya, mahirap tayo"sabi niya pero bakit parang malungkot siya pagkasabi nun, may gusto ba siya sa akin??
"Walang imposible kung main love ako sayo kahit mahirap ka pa at boss mo ako magiging tayo o mas worse pakakasalan kita!" nagulat ako sa binitawan kong salita, napatingin ako sa kanya... nakanganga siya habang ang pisngi niya ay namumula
"uuhhyyy! Si ate at si sir may pag asa maging sila"sigaw nung mga lalaki niyang kapatid kaya lalo siyang namula
"So ate, make him fall in love with you as long as possible!"sabi nung batang babae habang nakahalukipkip halata sa bata ang pagiging maldita nito
"Sunny stop it! Napakabata mo pa pero may alam ka na"saway niya pero namumula pa din nag sad face naman yung sunny
"kung kaya ng ate nyo!"panghahamon kong biro
"kaya yan ni ate, diba ate?"tanong nung isa
"Che! Ewan ko sa inyo!"sabi niya kaya nagtawan lahat pati ako di ko na natiis

Naputol ang tawanan namin ng may dumating, nakatalikod ako sa pinto kaya di ko muna tiningnan
"Papa!"patakbo at sabay sabay nilang sabi na dahilan kung bakit nanigas ako sa kinauupuan ko
"Oh! Gising na pala ang bisita natin, kumusta?"sabi niyang nasa harapan ko na ngayon
di ako sumagot tiningnan ko lang siya, so ikaw pala ang lalaki ni mommy! Kung pwede ko lang sabihin ng mas malakas para marinig nya ginawa ko na kaso mas pinili ko na lang magtimpi at sumagot
"okay lang po ako salamat!"pasasalamat ko pero ang kamay ko sa ilalim nang mesa ay nanginginig sa galit
"buti naman kung ganun, nahirapan ang dalaga ko sayo buti na lang at malapit ako sa area niyo kaya natulungan ko"sabi niya so siya ang nagdala sakin dito napatingin ako kay sunshine na tumango tango
"Sorry!"hinging tawad ko sa kanya

after namin kumain nagpaalam na ako sa kanila dahil may importanteng meeting pa ako at sumabay naman si sunshine...Wala ang kotse ko kaya nag initiate naman siya na mag commute na lang pumayag na ako kahit kaya kong ipadala ang sasakyan ko dito..

"Anong sasakyan natin?"tanong ko
"jeep! Di ka ba nakakasakay nun?"tanong din nya kaya umiling na lang ako dahilan kaya tumawa siya
"nakakarami ka na ha! Alam mo bang bawal pagtawanan ang Boss!"asar kong suway sa kanya
"Sorry hindi ko alam yun eh! Nice to know!!"sabi niya habang nagpipigil ng tawa
"ang kulit mo talaga!"sabi ko na lang at natawa na rin

Nasa loob na kami ng Jeep ngayon sa pinakagilid nya ako pinaupo para daw di ako mahilo, napapangiti ako sa kanya dahil ang samang makatingin sa mga babaeng tumitingin sa akin

Napawi ang ngiti ko ng tumunog ang phone ko kaya sinagot ko na lang agad dahil unknown number ang naka register
"Hello! Babe where are you?"tanong ng sa kabilang linya dont tell me..
"Michelle?!"gulat kong tanong kaya napatingin si sunshine sa akin na nagtataka
"Yes babe, Im back!! I miss you na nasaan ka ba nasa office mo ako ngayon naghihintay!"malambing niyang sabi
"Im on my way!!"sabi ko na lang
*Qiapo Qiapo!!" sigaw ng driver
" nasaan ka ngayon bakit napakaingay?"tanong niya
"Nasa jeep"sabi ko and i ended the call

"Sino yung tumawag?"alanganing tanong niya

"My Girlfriend!"alanganin kong sagot pagkasabi ko nun umiwas siya ng tingin...

I felt uneasy...

To be Continue:

Ano kaya ang gagawin ngayon ni Sunshine sa pagdating ni Michelle??
Mapapansin pa ba siya ni Brylle??
Anong next plan ni Brylle after niyang makita sa personal ang kabit ng mommy niya?

ABANGAN!!

Please Like and Comment

Tnx


#READ

#VOTE

#COMMENT

Series 1: My Revenge or Love for her? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon