Timid to Heartstring 4

0 0 0
                                    

Nagising siya ng gisingin siya ng isa sa mga katiwala ng Lola niya. Pinagigising na raw siya nito dahil nandiyan na ang taong pinapasama sa kanya ng Lola niya. Si Andres—Mang Andres...ata.

Bumangon at inayos niya na ang sarili bago lumabas ng kwarto. Naabutan niya ang Lola niya na naka-upo sa sala nila at kausap ang lalakeng medyo may katandaan na ang itsura, naka-kamisita de chino, at tokong na may pagkaluma na, at halatang ginagamit ito sa pagsasaka. Ito siguro ang Andres na tinutukoy ng Lola niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng hiya dahil sa mukhang marami talaga itong gagawin. Na mas mahalaga pa sa pag sama sa kanya nito. Panigurado'y may pamilya pa ito na binubuhay. Napansin naman siya ng lola niya.

"Oh Anne! Gising ka na pala. Magandang umaga, Apo. Halina at sabay-sabay na tayong kumain ng almusal."

"Magandang umaga din po" nakangiting binati niya ang Lola niya at si Mang Andres.

Ngumiti lamang sa kanya ang matanda. Sumunod na din siya sa Lola niya sa hapagkainan. Nagtaka siya nang paglingon niya ay hindi sumunod sa kanila si Mang Andres.

"Ah Lola si Mang Andres? Ba't di po siya sa atin sumunod? Di po ba siya sasabay sa'tin?" Sabi niya habang iginigaya niya ang sarili pa-upo sa hapag.

Nakakunot-noo naman siyang tiningnan ng Lola niya. "Mang Andres?" Nagtatakang sabi nito.

"Opo. Yung kasama niyo po doon sa may sala. Yung sinabi niyo pong maglilibot sa'kin dito. Okay lang po ba talaga? Mukhang may gagawin po ata siya." Sabi niya habang nagsasandok ng pagkain

Narinig niya namang tumawa ang Lola niya. Nagtatakang tiningnan niya ito at tinanong. "Bakit la?"

"Magandang umaga po, Lola Lita"

Pamilyar ang boses na iyon sa kanya. Parang narinig niya na iyon sa kung saan.

"Magandang umaga din sa iyo, Andres" may ngiti sa labing sabi ng lola niya.

Lalo siyang nagtaka. "A-andres?" Tanong niya sa Lola.

Tumatawa pa rin ito. "Oo, Apo. Siya si Andres. Tatay niya iyong kanina na kausap ko."

Tiningnan niya naman ang tinutukoy ng Lola niya na Andres. Nagulat naman siya ng makita ito—gayundin si Andres.

Ito yung lalake kahapon. She said in the back of her mind.

"Halika ka, iho. Saluhan mo na din kami sa almusal"

Nahihiya namang sumunod si Andres. Umupo ito sa upuan na katapat naman ni Anne. Nailang naman si Anne.

Kumain lang sila ng tahimik tanging mga kubyertos lang nila ang kanilang naririnig. Nawala lanang ito ng magsalita si Andres.

"Ah Lola Lita, bakit niyo po pala ako pinapatawag?" Nakatingin naman rito si Anne habang nagsasalita, nagulat naman siya ng biglang salubungin nito ang tingin niya.

Wala siyang makitang kahit anung emosyon dito. Nagbitaw lang sila sa kanilang titigan ng tumukhim ang matanda at magsalita.

"Gusto ko sanang samahan mo ang apo kong si Anne na mamasyal dito. Di pa kasi siya ganoon kapamilyar sa lugar dito. Okay lang ba sayo, iho?"

Tiningnan naman ni Andres si Anne saglit bago sumagot sa matanda. "Okay lang po. Wala rin naman po akong ginagawa."

"Ah mabuti kung ganon. Salamat iho"

"Wala pong anuman" at ngumiti kay Lola.

Kanina pa kami naglalakad nitong si Andres di ko nga alam kung saang lugar na 'to. Baka mamaya iligaw ako na'to? Ay—di naman siguro, kilala naman siya nila lola. Subukan niya lang akong iligaw... Lagot siya! Psh.

Nandito lang ako sa may likudan niya ba'li parang nakasunod lang ako sa'kanya. Ayaw ko nga sumabay ng lakad sa kanya, ang awkward kaya ta's di pa siya nagsasalita. Ah! Baka nahihiya siya sa'kin? Naalala niya kayang ako yung babae dun sa paraiso kahapon?

Ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.

"Andres? San ba tayo pupunta? Eh! Kanina pa tayo lakad ng lakad?" Tumigil ako sa paglalakad at na-meywang. Kapagod kaya.

Lumingon naman siya. At tumingin lang sa'kin. Yung totoo? Makikipagtitigan na lang ba siya dyan?

"Ano na, Andres?" Iritang tanong ko.

"Anung ginagawa mo dun kahapon? Pa'no mo nalaman ang tungkol doon?"

"Doon? Yung paraiso ba?"

"Anung paraiso?" Kumunot ang noo niya.

"Yung natutun kong lugar kahapon... Tsaka di ko naman alam na may ganung lugar sa likod ng bahay nila lola. Paano pala nagkaroon noon do'n?"

Pero di niya sinagot ang tanong ko. "Wag ka na ulit pupunta do'n" seryosong sabi niya.

"Bakit naman? Ba't sayo ba yun?" Aba! Ang damot naman nito. Malaman ko lang na kila lola yon! Lagot siya sa'kin.

"Ang ibig kong sabihin..."bumuntong hininga siya.

"Ano?!" Singhal ko sa kanya..

"Wag kang pumunta don pag-ikaw lang. Ayaw kong mapahamak ka"

Napatigil naman ako dahil doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Timid To HeartstringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon