Timid to Heartstring 3

1 0 0
                                    

"Thank God, I know you we're still here" she felt it whisper.

Agad siyang tumayo sa upuan at lumingon sa likod niya kung saan nakatayo ang taong tumakip sa mata niya.

There she saw a man standing behind the bench. The one who covered her eyes. It has a messy hair that done by the wind, a pointed nose, and eyes that can drown you in. The man was shock too, and she don't know why?

Ako dapat ang gulat dito di'ba? She said to her self.

"B-ba't mo ginawa yon? Sino ka? May masamang balak ka ano?!" She blurted out.

"Nako! H-hindi miss!! Di ko talaga sinasadya. Akala ko kasi... ikaw siya." sadness flashe to his eyes.

Bigla naman siyang nakaramdam ng guilt, pero di niya alam kung bakit?

"Sorry talaga. Di ko sinasadyang gulatin ka o takutin. Kami lang dalawa kasi ang nakaka-alam sa lugar na 'to, kaya akala ko siya yung nandito...yun pala ikaw"

"Ah ganon ba. Sorry din. Napadpad lang din ako dito." Sabi niya pero tinignan lang siya nito.

"Ahm... Sige..ano..alis na ako, baka hinahanap na din ako sa'min. Pasensya na din ulit. Ah bye" agad na din siyang pumanhik pabalik sa dinaanan niya kanina. Akala niya ay maliligaw pa siya pabalik. Mabuti na lang di pa ganoon kadilim nung bumalik siya.

Samantala, habang naglakad na pabalik si Anne ay sinundan naman siya ng tingin ng lalake hanggang sa hindi na nito makita ang bulto ng dalaga na unti-unting nawala sa gitna ng kakahuyan.

Bumuntong hininga ito. "Bakit pa ako umaasang babalik siya? Kahit alam ko namang malabo ng mangyari yon" malungkot na ngumiti ang lalake pagkatapos sabihin iyon.

Huminga siyang malalim at malungkot na tumingin sa magandang tanawin na nasa harap niya.

Nakatambay lang si Anne sa veranda ng bahay ng Lola niya. Kita rito ang madilim na langit na mayroong napakadaming bituwin at buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na paligid. Tanaw rin ang napaka-lawak na taniman ng lolo't lola niya. Wala sa sariling niyakap niya ang sarili dahil sa lamig nang hanging umihip.

Naalala niya naman bigla ang lalakeng nakita niya sa paraisong napuntahan niya. Ang malulungkot at maamo nitong mga mata. Di niya alam kung bakit nakaramdam din siya ng lungkot ng maalala nito ang mata nito na nakatingin sa kanya.

'Akala ko kasi... ikaw siya'

Naalala nito ang sinabi sa kanya ng lalake. 'Meron kaya siyang inaantay don? Silang dalawa lang daw ang nakaka-alam? Sino yun? Ibig sabihin hindi alam nila lola ang tungkol doon? Pero paano? Alam kong sakop pa din yun ng lupain nila lolo?'  Many question came up to her mind. She don't know why she's so affected to it? The hell she care. She just shook the idea came up to her mind away.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, iha"

Nagulat naman siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. Paglingon niya, ang Lola lang pala niya.

"Ah wala naman po lola. Nagmumuni-muni lang po" she smile but it didn't reach her eyes.

"Ah ganoon ba. Pumasok ka na at baka ika'y mahamugan. Ano naman iyang iginuhit mo, apo?"

Napatingin naman siya sa sketchpad niya. Iginuhit niya roon ang paraisong tinuturing niya. Maalam siyang gumuhit. Sa lahat ng larawang naiguhit niya ay masasabi niyang ito ang naka-maganda, kung para sa iba. Inabot niya sa Lola niya ang sketchpad.

"Aba'y napaka-ganda nito." Namamanghang sabi sa kanya ng Lola niya.

"Salamat po" nahihiyang ngumiti siya rito. Inabot naman sa kanya ng Lola niya iyon. "Ah Lola! A-alam nyo po ba yung tungkol sa— ay! I mean may alam po ba kayong magandang pasyalan?"Hindi niya tinuloy ang pagtanong tungkol don sa napuntahan niya kanina.

Ngumiti ng bahagya ang matanda "Oo naman apo. Maraming lugar ang pwedeng puntahan dito. Pasasamahan kita kay Andres"

"Nako Lola! Kahit wag na po kahit sabihin niyo na lang po."

Nahihiyang tinanggihan niya ang suhestyon ng Lola niya. Baka kasi maka-abala pa siya sa gagawin nung Andres o Mang Andres.

"Naku! Okay lang yun, Apo. Mamaya maligaw ka pa. Kaya okay lang yun. Siya.. Matutulog na ako iha. Umakyat ka na din sa kwarto mo at matulog. Maaga ko papapuntahin si Andres dito ng maaga kayo maka-alis kayo"

Tumango na lang siya sa sinabi ng Lola niya. Mukhang di na siya makakatanggi sa alok ng Lola niya. Okay lang naman daw eh.

Umakyat na din siya sa kwarto niya at nahiga na sa kama. Napatingin naman siya sa direksyon ng sketchpad niya. Kinuha niya iyon at binuklat. Nakita niya ulit ang ginuhit niyang paraiso, ngunit inilipat niya iyon sa kabilang pahina at roon naka-guhit ang larawang para sa kanya ay ang pinaka-maganda. Hindi iyon nakita ng Lola niya. Panigirado'y tatanungin siya ng tatanungin niyon.

Larawan iyon ng lalakeng nakita niya kanina. Hindi rin siya makapaniwalang na i-guhit niya ito kahit saglit niya lang ito nasulyapan. Saglit nga lang ba?

She's unconsciously smile and went to sleep. While remembering the sad eyes—voice of that man.

Timid To HeartstringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon