Simula"The girl is innocent."
Pagkasabi ng judge nun ay agad na nag-ingay ang paligid. Dinig ko ang mga batikos, mga reklamo ng mga relatives ng kaibigan kong si Dorisse Santiago.
"This case is dismissed." Ani ng judge.
Binalingan ako ng judge, at binigyan ng medyo tipid na ngiti. Napapikit naman ako habang dinadaluhan nina Heart.
My life is a mess. It has been a mess since I stepped into college. First year ko pa lang ngayon. And school was hell, pati ba naman ang buhay ko, magiging impyerno na rin?
"Okay ka lang ba, Kris?" Tanong ni Heart.
I stepped down from the podium at tinanggap na ang mga yakap ng mga kaibigan ko. I cried in the shoulders of Heart, Mina, Elena, Abiel, and Stephanie.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Elena. I can smell her sweet scent, at ramdam ko ang pang-mayamang tela ng suot niya. And I envy my bestfriend's life. Because mine is just too horrible to compare to anybody else's.
"Elena, tulungan mo ako." I begged her.
Pagdilat ko ay nakita kong ang awang-awang ekspresyon ng mga kaibigan ko. They feel sorry for me. At wala silang magawa. Si Elena lang ang nakakaahon sa amin sa ganitong edad.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa mga kamay ni Elena. Her hands are shaking because of me, at naiipit ko na ang wedding ring niya, pero I don't care. I need her. And all the things that she can provide me.
Tumango si Elena. "Hush. Oo, tutulungan kita, Tinn."
Umiling ako. "Hindi 'to pwedeng malaman ng mga magulang ko. Hinding-hindi! What they need to know is that I'm doing fine here sa Manila. Na nagpapatuloy ang payapa kong buhay at nag-aaral ako nang maayos. Please, Elena!"
Tumango siya. "Look, I'll call my husband, okay? Madali lang ito. Tumira ka sa amin. Hahanapan ka namin ng matitirahan. Probably in one of his mansions para safe ka. Don't worry, okay? We got you."
At niyakap ko na naman siya. Habang ganun ay dinadaluhan naman ako ng mga pangako ng mga kaibigan ko.
"We won't tell your parents, Kris. We promise." Ani Abiel.
"Oo. We'll cover up for you in any way." Sabi ni Mina.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Mina pagkatapos niyang sabihin yun.
"Hey!" Medyo galit na sigaw ni Abiel sa likod niya. "Huwag nga! Umalis nga kayo rito! Huwag niyong malapit-lapitan ang kaibigan namin!"
And I saw the biggest horror of my life. Cameras! Cameras eveywhere!
Tinulak sila ni Abiel pero wala na talagang ibang paraan kaya't tumakbo na kami palabas. Still in the arms of Elena, itinago ko ang mukha ko sa mahaba at makapal niyang buhok.
Dapat walang makuhanan na kahit anong imahe ang media sa mukha ko. Kahit na katiting ng katawan ko ay dapat wala silang makita! This is news for them and this is money for them and they won't care!
Pero within those pictures na makukuha nila, at mga videos at documents, maaapektuhan ang buhay ko, at ang buhay ng pamilya ko!
Nakuha naman kaagad ni Elena ang gusto ko kaya't tinabunan nila ako ng isang malaking jacket. I don't care anymore. I don't care what I probably look like to the other people here in court. I just need to get out!
Ipinasok na ako ni Elena sa kotse nilang nag-aabang sa labas ng court building, at nakita ko ang asawa niya roon. Alalang-alala siyang nakatingin sa akin.