~ Eunice
July 25, 2016Nagdadalwang isip pa rin ako kung isusuot ko itong uniform na ito.
Bakit ako nagdadalwang isip? Kasi ayaw ko talagang lumipat ng school pero yun ang pasya ng parents ko kaya naman WALA AKONG MAGAGAWA *sad*
So ano pa nga ba? Sinuot ko na yung uniform at ini- ready na ang gamit ko sa pagpasok ko sa bago kong school, sa Gryffindor University. Dati kasi sa Woollim University ako Napasok.
Hindi lang talaga ako makapagreklamo sa kanila dahil nirerespeto ko sila.
Magsisix o-clock lang pala. 7:30 naman ang simula ng class.
Nagwoworry ako dahil baka hindi ako makapasok sa top dahil sa transfer student lang ako, ganun kasi ang sistema ng ibang school.
Alam ko naman ang direksyon ng school at malapit naman ang condo ko sa school kaya nag bike na lang ako at tinakasan ko ang service ko. Ayaw ko kasing maraming nagbabantay sakin.
Katulad nga pala ng sinabi ko kanina, sa condo ako nakatira. Oo, hindi ako nakatira sa totoong bahay namin, gawa na rin kasi ng pag-aaral ko.
Alam ko na magtataka ang mga kaklase ko pagdating ko sa school na yun kung bakit ako laging nakasimangot. Sanay na ako ganan din naman ang sitwasyon ko sa dati kong school.
Wala akong magiging kaibigan kasi nga hindi maipinta ang mukha ko at hindi ako friendly, wala nga akong bestfriend.
Kapag tinanong nila ako tungkol dun, hindi na lang ako iimik. Tahimik lang ako, magbasa lang ng libro ang lagi kong ginagawa.
Tungkol naman sa lovelife ko? Wala sa bokabularyo ko yun. Actually, si Harry Potter ang first love ko. Fictional character, sabi ko nga mahilig ako magbasa.
Sa wakas narating ko na din yung school. Pero parang gusto ko uminom ng malamig. Di bale na.
Pero malapit lang naman yung 7eleven dito sa school ehh. Pupunta na sana ako kaso may isang babaeng may suot ng uniform ko ang nagmamadaling nakadali sakin at mukhang papunta sa 7eleven.
Nakakainis at nalaglag lahat ng libro ko.
[NAKAKAINIS! HINDI BA USO SA KANIYA ANG EXCUSE ME ?]
Take note nga pala lahat ng sinasabi ko sa isip lang kasi nga tahimik akong tao. Nagsasalita lang ako kapag may recitation sa class.
Bwisit talaga yung babae, mukhang magpapalamig lang naman at tatambay dun. Ganun naman ang gawa ng iba ehh, oorder tapos tatambay na sa 7eleven.
Bahala na! Pinulot ko na lang ang mga gamit kong nalaglag at pumasok na sa Gryffindor University.
Siguro nga nakakapanibago kasi walang pumapansin sakin kasi nga bago lang ako.
Sa dati ko kasing paaralan pagkapasok ko palang sa loob, babatiin na ako ng lahat dahil alam nilang... ah wala kasi ako ang top 1 student at pambato sa iba't ibang laban.