~Lyndon
Hayyss katulad ng ginagawa ko araw-araw, patuloy kong sinusuyo si Yassi. Kung hindi ba naman kasi kami pinaghiwalay ng mga parents namin dahil lang sa problema sa mga trabaho nila, Edi sana hanggang ngayon kami pa. Masunurin pa naman siya sa parents niya kaya wala akong magagawa kundi paligiran at suyuin siya dito sa school. Oo, nag- aaral pa kami pero di naman ako pinagbabawalan kaso dapat pasa ang grades ko. At saka sa panahon ngayon, bibihira na sa mga gwapong katulad ko ang walang girlfriend. Choosy kaya ako pero nahumaling talaga ako sa ganda niya. Sa susunod ko na ulit ikekwento lovelife ko.Eto na nga! Hinahabol ko na siya pero pilit parin niya akong tinataguan. Napipikon na ako sa ganitong sistema ng relasyon namin pero hindi pwedeng bumitaw ako.
Nakita ko na kung nasaan siya at hahabulin ko na para mag kausap kami pero hinarangan ako ni Alex, yung maldita niyang bestfriend. Ni choice ako kundi itulak siya kasi ayokong may nakikialam sa aming dalawa ni Yassi.
Hindi ko namalayan na halos maligo na ko sa pawis kaya nagpunas muna ako pero iilang sandali pa at nawala na sa paningin ko si Yassi.
'BWISITT! ASAN NA BA SIYA?, NAKAKAINIS NA.'
Kahit anong hanap ko sa kaniya, hindi ko pa rin makita. 'BAKIT BA NAMAN KASI AYAW NIYA PA MAKIPAG-USAP, ANG ARTE NAMAN EHH, KAMI RIN NAMAN ANG NAHIHIRAPAN.'
Naramdaman kong nagba- vibrate ang phone ko. 'SI YASSI ITO AHH.', Sabay sagot ng phone.
[YASSI: BABE, ANDITO AKO SA MAY 7 ELEVEN, MAGKITA TAYO. ETO ANG PERFECT PLACE PARA MAKAPAG-USAP TAYO. MAHABA PA NAMAN ANG ORAS BAGO MAGSIMULA ANG KLASE. WAIT NA LANG KITA DITO BABE.]
Halos buong pagtawag niya, siya lang ang nagsalita. 'HAYYSS, WALA MAN LANG ILOVEYOU ?' Badtrip ehh.
Nagmadali na ako kasi ayaw ko siyang maghintay pa. Tumakbo ulit ako hanggang may nabangga akong babaeng naka- school uniform na katulad nang sa school namin. Hindi siya pamilyar sakin. At ang pinagtataka ko lahat ng babae maliban sa kaibigan ni Yassi na si trina at Alex ay tumitili kapag nakikita ako kasi nga alam nyo na. Kasi gwapo ako. 'BAKA TRANSFER STUDENT', sabi ko sa sarili ko.
Nahulog yung mga librong hawak niya. Sobrang sama ng tingin niya sakin. Habang tinititigan ko siya, lalong lumalim ang tingin niya sakin at parang gusto na akong kainin. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong itulak at sabay pulot ng mga libro niya.
'BWISITT! ANG WEIRD NIYA.'
Tumayo na ako kaso sobrang sakit talaga ng pagbagsak ko. Para bang isang 3rd degree black belt sa taekwondo ang tumulak sakin. Nag-inayos na ako para puntahan si Yassi. But I found a beautiful necklace sa lugar kung saan na meet ko yung babaeng hindi maipinta yung mukha.