THE SIGN (One-shot)

155 3 7
                                    

A/N: 100% fiction po ito. Sana ma-inspired kayo. Hihi :)

----

"You can cross your fingers, make a wish every time the clock strikes 11:11, throw millions of coins into a fountain and wish on every shooting star that lights up the night sky. But if it's not meant to be, it won't happen."

*Girl's POV*



Nagsimula sa simpleng hi. Akala ko noon hanggang dun na lang yon.

Naalala ko nung unang beses mo kong tinext. 7 days na lang un bago mag-Christmas. Naisip kong nawrong-send ka lang dahil unknown ung number na rumegister sa number mo. Medyo snob pa ako that time kaya hindi kita nireplyan. Hindi kita pinansin. Naghintay pa ako ng text galing sayo pero kahit isa wala ng dumating. Sabi ko sa sarili ko 'Siguro nga nawrong send lang siya.'

After that day, nawala na sa isip ko ung wrong send thingy. Hinayaan ko na lang. Pero curious pa din ako kung sino ung nagtext.

Lumipas ang mga araw.....

Destiny find ways. We'd met.

Akala ko nung una, isa ka lang stranger na galing sa planet pluto na nawrong send sakin. I didn't know na magkakaroon ka pala ng part sa buhay ko.

Pinagtagpo tayo ni Tadhana.

Laking gulat ko ng malaman ko na sa iisang subdivision lang pala tayo nakatira. What a coincidence diba?

Sa tuwing makikita kita, laging kumakabog ung puso ko na para bang gustong kumawala sa kinalalagyan nito.

Nakakaramdam ako ng kakaiba pag nasa malapit ka.

Sobrang weird nga eh. First time lang ako makaramdam ng ganito.

Lumipas ang mga araw, palevel up ng palevel up ung nararamdaman ko para sayo.

My mind, my soul, my heart! Kahit sino sa kanila, walang makapagpaliwanag kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko.

Lahat ng nararamdaman ko ay hindi pang-karaniwan. I mean it isn't natural. This is the first time that my heart beats so fast.

Dumating ung araw na narealize ko na kung bakit ganito ung nararamdaman ko.

Sa isang iglap, BOOM!

Inlababo na po pala ako sayo. ^_________________^

Oh well, hindi madali ung naging sitwasyon ko. Nahirapan akong iexpress ung feelings ko.

Nabuhay ako ng mahabang panahon na may inililihim akong pagtingin sayo. Hindi ko magawang aminin sayo ung nararamdaman ko dahil napaka-torpe ko.

Nakakagawa na ako ng mga unusual things like ung pagpapaprint ng mga pictures mong humigit sa 100 at idikit yun lahat sa kwarto ko.

Natadtad ko na din ng names mo ung lahat ng backpage ng notebooks ko with my all subjects. Minsan pa nga pag hindi pa ako kontento, lahat ng papel na makikita ko ay sinusulatan ko ng pangalan mo.

THE SIGN (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon