Tae Nagugutom na ako kailangan ko nang kumain kung hindi wala na tong storyang ito. (De joke lang xD)
"Umalis ka na dito sa ampunan na
ito!""Bakit po ba??!"
"Basta! Wala ka nang karapatan mamuhay dito!!"
"BAK--"
Tssskk.. tama na nga yan Maine kalimutan mo na sila yung tiyan mo oh kanina pa umiiyak eh!
Tumingin-Tingin ako sa paligid ko at may nakita akong pagkainan at pumunta doon.
"Hmm.... teka may pera ba ako?!!"
Tinignan ko yung bulsa ko at may nakita akong isang piso.
"Tae. CANDY LANG MABIBILI KO DITO AH!"
Tumingin ako sa paligid ko at may nakita akong isang restaurant ba yun sabi kasi sakin nang isang madre sa ampunan na ang restaurant daw ay may mga pintuan at bodyguard at may aircon daw at may mga masasa--
Tama na nga ito nagugutom na ako sa kakaisip ko eh! Lumapit ako sa Restaurant at may nakita akong isang lalake na tumitingin sa akin at nag make face pa siya ah!
"Sige mag make face ka pa lalamunin kita gamit tiyan ko!!"
Mag make face na rin sana ako kasi biglang nag make face naman ang mokong na yun pero biglang naglabo ang paningin ko at natumba ako doon sa sahig (wow ha! Ang init at ang sakit!) Natumba ako at ang huli kong nakita ay si mokong na tumatakbo at mga tao na Nagtitinginan.