Thankful ako, napaka. Saan? Sa fact na nakilala ko siya, na nagtagpo kaming dalawa at nag-"cross paths" kahit na matagal na pala niya akong sinusundan pero ako lang ang hindi aware. Thankful ako kasi ang understanding niya, sobra. Ang effort niya pa! Andami dami kong bagay na pinapasalamat araw araw nung time na nararamdaman ko pa na kami pang dalawa ang magkasamang naglalaban.
Ilang beses na akong nagpasalamat sa kanya dahil sa mga ginawa niyang sakripisyo para sa akin at sa pagmamahal na binibigay niya sakin araw araw. Di nga ako makapaniwala at kaya niyang magsakripisyo ng todo todo para lang sa akin eh, at ayun ang nagbigay sa akin ng assurance na mahal na mahal niya talaga ako at kaya niyang i-give up pati ang sarili niyang kaligayahan para sa akin.
Andami ko rin namang sinakripisyo para sa kanya at para sa amin pero di siya aware about dun kaya may mga times na sinasabi niya na siya nalang parati yung nag-aadjust sa aming dalawa, pero hindi.Sa mga alaalang napakasaya, sa mga regalo mong punong puno ng pagmamahal, sa mga sakripisyo mo sa akin, sa mga bagay na ginagawa ko kahit na labag sayo pero okay lang para sayo, sa pagiging understanding mo, sa pagiging present sa mga times na kailangan kita, lahat ng yan atbp. Yan ang mga bagay kung bakit ako thankful.
Pero lahat ng yan nawala, nagbago. Di ko alam kung paano pero nagkaroon tayo ng barrier in between the both of us. Di natin alam kung paano ito nag-form pero bigla nalang siyang lumitaw eh. Dito nagsimula ang pagkakatigil ng mga mensahe natin sa isa't isa na kasing haba ng buhok ni Rapunzel. Dito nagsimula ang unti unti nating paghihiwalay. Dito nagsimula ang hindi na natin pag-uusap oftenly like we used to.
Thankful ako, oo. Pero, bakit? Bakit bigla na lang nawala?

BINABASA MO ANG
"Tayong dalawa," tayo ba talaga?
Random--"Tayong Dalawa," tayo ba talaga?-- Itong ginawa ko na to ay isang rant about my relationship with my "special someone" na parang hindi ko na "special someone". Gets? The things written // typed here are "true to life". Especially my feelings na...