Bakit ganun? Bakit parang nawala nalang bigla yung pagpaparamdam natin sa isa't isa? Parang wala ngang "tayo" eh. Bakit umabot sa ganito, na cold tayo sa isa't isa? Na halos hindi na tayo nag-uusap gaya nung dati? Dati, salitang naglalarawan ng nakaraan. Nakaraan, salitang nagpapahiwatig ng isang pangyayari na natapos na.
Parang tayo kumbaga.
Feeling ko na natapos na tayo,
pero eto "tayong dalawa" pa rin,
pero tayong dalawa nga ba talaga?"Pero", ang salitang sumasagabal sa akin ngayon. Isang salita na nagpapahiwatig ng napakaraming masasakit na 'ibig sabihin'
Parang dati lang, maya't maya tayong nagsasabihan ng mga salitang "I love you". Tas may mga corny and cheezy, yet meaningful "pick-up lines" pa tayong dalawa sa isa't isa.
Ako: Gitara ka ba?
Siya: Bakit?
Ako: Kasi ang sarap tumugtog habang yakap yakap kita.
*Naalala ko nalang yan bigla, hayy napapaluha nanaman ako. Napapaluha ako dahil ang mga alaalang ito ay mananatiling alaala nalang at di na natin muling masasabi sa isa't isa. Ang sakit.Tapos may mga long messages pa tayo sa isa't isa o kaya naman mahahabang pag-uusap. Kahit hindi man sa personal, damang dama ko parin na nagmamahalan tayong dalawa. Kung ipagkukumpara ko nga eh, dati kasing haba ng buhok ni Rapunzel ang mga pag-uusap natin eh pero ngayon kasing ikli na ng bangs ni Dora. Saya no? Andami talagang nagbago sayo..... sa atin.
Itong mga to, itong mga nararamdaman ko sayo, itong mga nararamdaman mo sa akin, mayroon pa rin ba? Bakit nawala bigla?
BINABASA MO ANG
"Tayong dalawa," tayo ba talaga?
Random--"Tayong Dalawa," tayo ba talaga?-- Itong ginawa ko na to ay isang rant about my relationship with my "special someone" na parang hindi ko na "special someone". Gets? The things written // typed here are "true to life". Especially my feelings na...