fd 2

326 17 1
                                    

Naglalakad sina Samantha at Cindy sa pasilyo ng mga nakahilerang classroom. Hinanap nila ang class room nila.

Hawak ni Samantha ang papel na sinulatan ng mga schedule nila sa klase ngayong araw nato habang si Cindy naman tumitingin sa mga pinto ng class room na may mga code.

"sam, anong first subject natin?" tanong nya sa kaibigan habang tumitingin sa mga pinto.

"English. Nasa room 103"

" ah..ayun.." nang Makita ni Cindy ang class room nila. Agad naman silang pumasok. May ilang mga estudyante na ang naroon.

Ngumiti silang dalawa sa mga magiging kaklase nila. May nakita silang dalawang upuan kaya tinungo nila iyon para umupo.

Pagkaraan ng ilang minuto pumasok na ang guro namin sa English.

" good morning, i'm Mrs. Santos, ako ang teacher nyo sa English." Napangiwi si Samantha dahil makapal ang paglalagay ng kolorete sa mukha nito.

" hey, mam. You look like a clown!" nalingon silang dalawa ni Cindy ng may nagsalita sa likuran nila. Isang babaeng nakalagay sa leeg ang head phone na kulay pink. Maganda ang babae.

" how dare you to talk your teacher like that?" umuusok ang ilong ng teacher nila dahil sa galit lalo na ng pinagtatawanan sya ng mga studyante.

" im telling the truth!" walang kangi ngiti nyang turan sa guro. Tumayo ang babae at lumabas.

" hey, where are you going?" sigaw ni Mrs. Santos sa babaeng lumabas. Huminto ang babae sa may pinto at binalingan ang guro.

" lalabas dahil alam kong palalabasin mo rin ako. Inunahan nakita" sabi nya sa guro sabay taas ng kilay.

Napaawang ang bibig ni Samantha dahil sa tinuran ng babae. Hindi sya makapaniwala na nakapagsalita ito sa guro ng ganon pero bitch eh, kagaya nila. Ganun din naman nya sagot sagotin ang guro nya dati.

--00—

Tinungo ni Daisy Villanueva ang daan patungong roof top. Tahimik ang daan papuntang roof top dahil walang pumupuntang mga estudyante dito. Paakyat na sya ng hagdanan ng may marinig syang kalabog na nasa madilim na bahagi ng hagdan. Dahil sa takot, mabilis syang umakyat sa hagdan.

Humahangos sya ng makarating na sya roof top.

Napasigaw sya ng may humawak sa kanyang balikat.

"anong ginagawa mo dito." Tanong ng isang lalaki sa kanya. Napalingon sya, isang lalaki na nakasuot ng salamin ang bumulaga sa kanya.

" ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik nyang tanong sa lalaki. Gwapo ito pero hindi lang halata dahil sa suot nitong salamin.

" wala, gusto ko lang mapag isa. First day of class, napagtripan eh!" isang mapaklang ngiti ang gumihit sa labi ni Rod.

Bilang pagtugon sa sinabi ni Rod, TUmango lang si Daisy.

" ako, ayokong Makita ang pagmumukha ng teacher ko. Dahil parang clown kasi eh.." umagik-ik si Daisy habang nagsasalita.

" kanina pa tayo nag uusap.hindi ko man lang alam ang pangalan mo?" pagkaraan sabi nito sa lalaki.

" ako nga pala si Rod suarez" pikilala nya dito. Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan.

"daisy. Daisy Villanueva." Nag shake hand silang dalawa.

Binawi na ni daisy ang kamay niya kay rod. Naglakad si Daisy papuntang railings ng rooftop nakasunod naman si Rod sa kanya. Mula sa bag, kinuha nya ang isang pakete ng Marlboro. Kumuha sya ng isang stick at sinindihan nya.

" nag yoyosi ka?" inosenteng tanong ni rod sa kanya.

Tumango lang sya bilang pagtugon.

" anong course mo?" tanong nya dito.

"IT" matipid nyang tanong

" pareho pala tayong kinuhang kurso. Anong year ka naba?" niyupyup nya ang hawak ng yosi at binuga ang usok.

" 1st year college.. may pasok nga ako ngayon. Pero hindi ako pumasok.. room 103 ang class room ko ngayon.." napatingin si Daisy kay Rod.

" magkaklase pala tayo.." sabi nya sa lalaki.

" ganun ba!" matipid nyang sagot habang nakatingin sa malayo parang may iniisip ito.

" hui.. anong iniisip mo, parang lutang ka ngayon ah"

" hindi kasi. Kanina. May nabangga akong babae at familiar sakin ang mga mukha nila. Nang maalala ko, sila yung mga estudyante sa Ravenhood High school. Sila yung mga survivor." Nahihimigan ni Daisy ang takot na bumalot sa pagsabi ni Rod.

Naalala din nya kanina, noong nilait nya ang teacher nya. Lumingon ang isang familiar na babae sa unahan nya. Nang sinabi ni Rod ang tungkol sa dalawang babae na nabangga nya, ngayon lang nya natandaan ang mga mukha nito. Laman ito ng balita 2 yrs. Ago, sila yung mga survivor sa nangyaring massacre sa isang prestigious school. Ang ravenhood high school.

" parang kaklase natin ang dalawang yun" sabi nya.

"what? Paano kung nasundan sila ng pumapatay sa kanila. Hindi pa daw nahahanap si Franz Rodriguez yung suspect sa massacre ng Ravenhood High School" kabado nyang sabi kay Daisy.

Binalot sya ng kaba dahil sa sinabi ni Rod, paano kung magkatotoo ang sinabi nito na nasundan sila ni Franz Rodriguez. Madadamay sila. Possible iyun. Napaka possible.

Flash Drive 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon