prologue

476 19 3
                                    


Nanginging ang mga kamay kong hawak ang flash drive na nakuha ko sa bangkay ni Milen Hernando kanina.

Sinulyapan ko ang laptop na nasa harapan ko. Napalunok ako at kinakabahan. Napapikit muna ako bago ko sinaksak ang flash drive sa usb port. Pagkaraan ng ilang Segundo, lumabas ang folder at clinick ko ang new folder.

Nakita ko ang isang video na nakalagay sa flash drive, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, feeling ko pinagpawisan ako ng malapot kahit naka aircon ang silid na ito.

Nanginginig ang mga kamay kong ginalaw ang mouse at clinick ang video na naroun.

Sa video..

"plz..parang awa muna..pakawalan mo ako" kitang kita ko ang pagpupumiglas ni Milen sa upuan habang nakatali ang dalawa nyang kamay at paa.

Hindi ko matukoy kung saan sila naroun dahil napakagulo ng kinaruruonan nito, parang nasa basement sila.

Napasigaw ako ng marinig ko ang lakas ng putok na nagpasabog sa ulo ni Milen.

hindi ko na kaya pang tingnan kong anong nangyari mabilis kong sinarado ang laptop at kinuha ang flash drive sa saksakan atsaka tinapon sa kung saan.

Ngayon, nakakasiguro akong sya ang may gawa nito.

end of prologue!

Flash Drive 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon