CHAPTER TWENTY TWO: Beyond Strangers

5.1K 173 3
                                    


Muli akong nakatulog. Mag-aalas onse na nang nagising ako. Wala na si Renzo sa aking tabi. Bahagya namang nakabukas ang pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at lumabas. Nakasalubong ko ang kaisa-isa naming katulong.



          

"Manang, nasaan po si Renzo Yung naghatid sa akin kagabi tsaka yung kasama kong natulog sa kwarto?"



          

"Nasa kusina po si Sir Gwapo" ang sagot ng katulong. "Baka naman pwede niyo akong ilakad kay Sir Gwapo?"



          

"Manang, tigil-tigilan niyo ako. Masakit ang ulo ko. Ito imbes na magtrabaho, inuuna ang kalandian", ang pang-ookray ko sa bwisit na papansin naming katulong.



          

"Si Sir naman! Harsh?"



          

"Sige nga, Spell harsh?"



          

"H-A-R-S-H. Harsh! Meaning is cruel or tough" ang enthusiastic na sagot ng katulong. Natawa ako sa kanya. Iniwan ko siya at dumerecho sa kusina. Naroon nga si Renzo, nakatalikod at nakatitig sa labas ng bintana habang nagkakape. He's wearing a white shirt and a brown colored walking short. "Oh, saan mo naman sinungkit yang mga damit na suot mo?"



          

He turned around to see me. "From my car. May ilan akong damit na tinatago roon. So, just in case may sudden sleep-over, I have something to use."



          

"Wow, boy scout", tinabihan ko siya.



          

"Coffee?"ang tinanong niya sa akin. "I'll get you some. Instant or brewed?"



          

"Brewed"



          

So he prepared coffee. Talagang feel at home na feel at home siya sa amin. Kung titignan siya parang sa amin siya nakatira. Napakanatural, alam niya kung saan kukunin ang mug, teaspoon, sugar and coffee creamer. "It's amazing how you know where these are kept."



          

"Nagpatulong ako sa maid niyo. Just asked a couple of questions"



          

"Mag-ingat ka doon kay manang. I think she likes you"



          

"Bakit? Na bobother ka ba?"



"Should I, Renzo?"



          

"You shouldn't. I'm yours."at muli na naman niya akong pinakilig nang wala sa oras. "I just wish you'll be mine someday."



          

Nabawi ang pagkakilig ko nang marinig ko yun sa kanya. Nandilim ang kanyang mukha. Ligid sa kaalaman ko, when I was sleeping I accidentally murmured "I love you, Mark" in the arms of someone who loves me.He was wide awake and secretly cried with me in his arms.



"Oh. Why the sudden mood change?"



          

Hinarap niya sa akin ang kape at pilit ngumiti. Kaagad siyang tumayo. "Robi, I have to go now"



          

"It's Saturday. Dito ka muna", ang pagpupumilit ko sa kanya sabay puppy dog pout. Napabuntong-hininga siya at bumalik sa tabi ko. Hindi niya talaga ako matanggihan. "But kung may lakad kang iba. It's alright. Masyado na kitang naaabala with my follies."



          

Inakbayan niya na naman ako, madalas niya itong gawin kapag magkasama kami. Tahimik lang siya at waring may malalim na iniisip. Hindi ko na siya tinanong pa ng kung anu-ano at tinuloy ang paghigop ng kape. Binasag niya ang katahimikan. "Why don't you have jackets in your closet?"



          

Napatingin ako sa kanya, heto na naman siya at nagtatanong ng mga bagay na out of the blue. "I really don't like them. Hindi ako comfortable. Tsaka, binaon ko na sa lupa yung mga galing kay Mark. Pinagkukuha naman ng mga pinsan kong hapon yung iba. Minsan pinapaheraman ako ni Rex tapos agad ko ring binabalik."



          

Napatango siya. "May lahi ka palang Japanese. That's why you spoke Nihonggo awhile ago"



          

"Yeah, si Mommy kasi. Half Filipina and half Japanese pero dito siya nag-stay. Tinuruan lang naman ako ng pinsan kong si Utsui nung basic greetings.", Muli siyang nanahimik. "Renzo, thank you for everything. Sorry na rin"



          

"Para saan?"



          

"For unintentionally hurting you over and over again."



          

Pinatong niya ang ulo niya sa akin. "Don't mind me.Im stronger than you think."

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon