CHAPTER TWENTY EIGHT: Mister Shrimp

4.6K 151 3
                                    


Kinabukasan, nagising ako sa usual time schedule ko. Nakatulugan ko pala ang pag-eedit ng entries at doon na ako sa silya ng side table ko nakapuwesto habang ang ulo ko ay nakapatong sa side table. Chineck ko ang oras sa bukas ko pang laptop. Nagising ako sa tamang oras. Mabuti na lang ay nakasaksak ang charger ng laptop kundi uulitin ko na naman ang mga ginawa ko. Tumayo ako at inayos ang sarili. Tumingin ako sa labas ng bintana. Tulad kahapon, may dalawang kotseng nakaparada. Pagkatapos ng morning ritual ko ay dumeretso ako ng kusina para kumain. As usual, naroon na si Mommy. Lumabas muna ako ng bahay sandali para tignan ang dalawa. Tulad kahapon, ganun pa rin ang kanilang position.

          

"Hindi rin kayo makulit,no?", ang pag-uusisa ko.

          

"Basta sayo, Robi", si Renzo.

          

"How long you two would keep this up?"

          

"Until you finally see that I'm the only one for you", si Mark. "And just not any third rate dancer"

          

"Oh, mock me Mr. Shrimp!", ang naiinis na si Renzo.

          

"What did you just call me?", si Mark na nakatitig na kay Renzo.

          

"I don't know shrimps are deaf"

          

"Why you!"

          

Susugod na sana si Mark kay Renzo pero pinigilan ko siya at pilit na pinakalma. "Robi, thanks for last night."

          

Tinignan ako ni Renzo,isang naguguluhang tingin.

          

"Thank you for walking me home, I appreciate that you chased me so you could get me under your umbrella"

          

"Stop it, Mark."

          

Kumulimlim ang mukha ni Renzo.

          

"Renzo" ang tawag ko. Hindi niya ako tinignan. "Thank you sa ginawa mo. Yung nakapaskil sa bulliten board niyo. I appreciate it"

          

"Really?", nawala ang kulimlim sa mukha ni Renzo at masayang tinignan ang mukha ko. Tumango ako. "Thank you for making me also an honorary member of Souls."

          

Napakamot siya ng ulo. "Wala yun. Gusto rin naman ng grupo"

          

"Naive", ang bulong ni Mark. Ako lang siguro ang nakarinig nun dahil hindi pa rin natatanggal ang kasiyahan sa mukha ni Renzo.

          

"Sa akin ka na sumabay please" ang paki-usap ni Renzo. "Sa akin ka dapat sasabay sa akin kahapon kung hindi lang dahil sa isang taong hipon"

          

"No", ang singit naman ni Mark. "Kulang ka kasi sa diskarte, Mr. Third rate"

          

"Please, Robi, please,please,please", ang pangungulit ni Renzo na waring hindi narinig ang sinabi ni Mark. Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko at kinuha ang aking mga kamay. "Please,Robi!"

          

"Tumayo ka nga diyan, Renzo!"

          

"Pumayag ka muna"

          

"Oo na, sige na. Sayo na ako sasabay. For heaven's sake!"

          

Kaagad namang tumayo si Renzo at sinulyapan si Mark na ngayon ay iiling-iling dahil hindi makapaniwala sa nakita. Kaagad siyang sumakay ng kotse niya at umalis.

          

"Yes!", ang bulong ni Renzo habang sumuntok papataas sa hangin. "Naisahan ko rin si Mr. Shrimp!"

          

Nagpaalam na ako kay Mommy at kaaagad sinabi na kay Renzo ako sasabay ngayon. Sa kotse niya.

          

"Kahapon kinukulit ako ni Gail dun sa sinulat mo"

          

"Alin? Yung Renbi?"

          

"Ou, sabi mo raw Japanese word yun"

          

"Oo.", ang natatawang niyang sabi.

          

"So, bakit mo tinatawag na Mr. Shrimp si Mark?", ang curious kong tanong. Hindi ko kasi makuha ang rason.

          

"Di ba kasi kapag kumain ka ng hipon, yung katawan lang kinakain mo, tapos yung ulo tinatapon. In short, maganda ang katawan pero pangit ang mukha."

          

Natawa ako sa paliwanag niya. Tama nga si Mark, napaka-naíve ni Renzo. Pero it's a good thing for me. Hindi ako naiinis sa pagkaisip-bata ni Renzo bagkus ay natutuwa ako sa kanya. Ang laki ng difference ni Mark kay Renzo. Mark is firm looking, yung tipong may boyfriend ka na , may knight in shining armour ka pa. Si Renzo naman ay may pagka-naíve, stubborn at makulit. Siya naman yung tipong may boyfriend ka na, may clown ka pa. The only thing that they have in common is their killer sweetness.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon